Ares' Pov
'Hindi ko alam na magkasundo pala sila? Tch. Nakayanan niya namang kumain dati na walang kasabay ah, ba't ngayon eh parang naghanap pa siya ng kasama? Tch.'
Nakanguso nalang akong nagpatuloy sa pag-kain at hindi na tinignan si Kylix at Zeus na kasalukuyang nasa counter at umoorder ng pagkain.
"I love the food. Who's the cook here?" maya-maya'y suhestusyon pa ni Miah pero hindi ko siya pinansin at saka nagpatuloy pa rin sa pag-kain.
"Hey, Ares? Kanina ka pa hindi umiimik, what's the problem? Aren't you happy? Nandito na ako, oh!" tanong niya pa habang sinilip ang mukha ko. Nag-angat naman ako sa kanya pagkatapos ko ngumuya.
"Pwede ba? Manahimik ka na muna. Nakakarindi yang boses mo eh, kanina ka pa dada ng dada, tsk!" inis na singhal ko sa kanya at saka palihim na sumulyap kay Kylix na kasalukuyang kumakain sa iisang table kasama si Zeus. Nakatuon din naman sa kanila ang atensyon ng karamihan sa mga tao ngayon dito sa cafeteria dahil bago rin siguro sa paningin nila ang pangyayaring ito.
"Tch! Sabihin mo nga sakin, Ares, do you like that girl!?" biglang inis na tanong sakin ni Miah kaya naman agad akong napatingin sa kanya at nakita kong nakatingin din sila kila Kylix.
'A-ano bang sinasabi ng babaeng 'to!?"
"S-si Kylix?! H-huh? H-hindi ah! Nako, Miah! Kung ano-ano iniisip mo a-ah!" utal-utal pang pag-tanggi ko. Pasiring naman niyang inalis ang paningin niya kila Kylix at saka muling tumingin sakin at dinuro ako ng tinidor na hawak niya.
"Siguraduhin mo lang, Ares! Dapat ako lang ang gusto mo, wala ng iba!" duro niya pa sakin at saka muling sumubo ng pagkain niya.
"Hindi naman kita gusto, ah." medyo inis pang sabi ko. Hindi naman siya makapaniwalang napatingin sa akin.
"W-what?!"
"Hindi kita gusto. Akala ko ba alam mo na?!" inis pa ring sagot ko at saka kumain ulit. Hindi naman siya makapaniwalang napabuga ng hangin.
"H-ha! How dare you!" gitil na sabi niya sakin habang nangingilid ang luha at saka pabagsak na binagsak ang kutsara't tinidor na hawak niya at agad na tumayo papalabas ng cafeteria kaya naagaw niya kaagad ang atensyon ng mga nakapaligid sa amin.
'Tsk! Ano bang nangyayari sa kanya!? Psh, bahala ka diyan!'
Hindi ko nalang siya pinansin at saka ako muling nagpatuloy sa pag-kain hanggang sa matapos ko iyon.
Miah's Pov
Lakad takbo ang ginawa ko para lang makalayo sa cafeteria at makapaghanap ng lugar kung saan pwede kong ilabas ang emosyon na nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung saan na ako nakarating pero alam kong nasa loob pa rin ako ng campus. Sa tingin ko ay ito ang garden ng school dahil na rin sa mga halaman at bulaklak na nandito. Mayroon ding maliit na fountain gitna at sa palibot naman nun ay may mga benches. Pabilog kasi ang gitna ng garden at nasa gitna ang fountain.
Naupo ako sa isa sa mga bench at saka tumitig sa fountain na nasa harapan ko. Naramdaman ko ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko pero hinayaan ko lang itong tumulo ng tumulo habang nakatulala pa rin.
'Bakit ba ganon nalang kadali para sa kanyang saktan ako? Tao rin naman ako, ah. Kahit paganto-ganto ako ay nasasaktan pa rin ako.'
Parang batang pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko pero mukhang talagang makulit ang mga mata ko kaya patuloy pa rin na tumutulo ang luha ko.
'Ang sakit sa pakiramdam na ganto lang ang papel ko sa buhay mo.'
Kaibigan ko si Ares-- No, bestfriend ko si Ares simula palang nung mga bata pa kami. Ako ang nakasama niya sa paglaki. Ako rin ang nakasama niya sa mga pangyayari sa buhay pero nabago lang ang lahat ng yun ng dumating ang babaeng minahal niya ng todo. Sinira niya ang lahat, pati ang pagkakaibigan namin ni Ares, sinira niya. Nung una, akala ko ay mahal na mahal niya talaga si Ares at nakita ko namang nagmamahalan silang dalawa kaya naman kahit masakit ay nagparaya ako.
Umalis ako ng bansa noon para mabawasan sana ang sakit nararamdaman ko. Pero ang hindi ko inaasahan ay nung isang gabi na nasa kwarto ako ay biglang pumasok sa kwarto ko si Mommy at binalita sakin na naaksidente daw si Ares. Hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng kaba ang naramdaman ko nung oras na yun. Gusto kong umuwi kaagad ng Pilipinas pero hindi pwede.
Nagsimulang umusbong ang galit sa loob ko noon. Galit para sa babaeng minahal niya ng sobra pero iniwan lang siya. Galit sa sarili ko kasi hinayaan ko lang siya sa piling nung babaeng naging dahilan kung bakit siya naging ganyan ngayon.
Simula nun ay nagtapat na ako sa kanya ng tunay na nararamdaman ko. Sinabi ko sa kanyang mahal ko siya pero mukhang hindi talaga umaayon ang tadhana dahil kahit nagka-amnesia na siya ay hindi pa rin nabaling sakin ang pagmamahal ni Ares. Masakit, pero kailangan kong tiisin.
Agad kong pinunasan ang mata at pisngi ko ng may marinig akong ingay mula sa malayo.
"Saan ba tayo pupunta? Teka nga--bitawan mo ko! Tsk."
"Wag ka nga munang maingay! Gusto lang kitang makausap. Okay?!"
"Kausap mo na ko!"
"Pwede ba--"
Pareho silang natigilan ng makita nila akong tumayo at saka nakatungong humarap sa kanila. Hindi sila nagsalita kaya naman ako na ang nag-angat ng tingin sa kanila at saka ngumiti ng tipid.
"M-mauna na ko." mahinang sabi ko pa at saka dumaan sa gilid nila. Nakatungo akong nagpatuloy sa paglalakad ng may mabangga akong isang tao. Agad akong napaangat ng tingin at doon ko nakita kung sino yun. Hindi siya nakatingin sakin at diretso lang ang tingin niya.
"A-ares?" tawag pansin ko pa dito pero hindi niya ako pinansin at mas nagulat ako ng makita kong nangingilid ang mga luha sa mata niya at sabay-sabay iyong tumulo.
Napalitan ng pag-aalala ang pagtataka na tingin ko sa kanya kanina. Wala sa sariling napatingin din ako sa tinitignan niya at doon ko nakita si Kylix at yung lalaking kasama niya na nasa mismong gitna ng pathway papunta sa fountain. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko kaya nag-aalala akong napatingin kay Ares. Nakatulala pa rin siya at lumuluha.
"A-ares.." nag-aalalang tugon ko pero di pa rin siya tumitingin sakin kaya napatingin ulit ako sa tinitignan niya.
'Si Kylix at yung lalaki.... naghahalikan sa gitna ng pathway.'
Kung titignan mo sila ngayon ay para bang napaka-romantic dahil napapalibutan sila ng mga bulaklak at nasa gilid naman nila ay ang fountain. Pero hindi ko magawang ma-appreciate ang view nila ngayon dahil kasalukuyan akong nasasaktan para kay Ares.
Wala sa sariling tumingin ako kay Ares na nasa baba na ang paningin. Agad ko siyang niyakap at saka napaluha na din.
"A-ares, please.. wag mo nalang silang tignan. Please.." pag-aalo ko pa sa kanya at saka siya hinila papaalis doon. Parang wala naman siyang buhay na nagpahila sa akin.
'Ikaw na naman, ikaw na naman ang dahilan ng pag-iyak niya, Kylix..'
Author's Note:
1 year ko ng sinusulat ang story na 'to at hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos HAHAHA. At dahil diyan, dalawa ang naging update natin! Happy Anniversary, UG readers! ILY :))
Don't forget to vote and comment for more updates!
![](https://img.wattpad.com/cover/136961004-288-k378075.jpg)
BINABASA MO ANG
Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE)
Teen FictionNaranasan mo na ba na hindi isipin yung nararamdaman mo para lang sa taong mahal mo? Paano kung yung ginawa mong pagiisip sa nararamdaman niya ay ang maging dahilan ng pagbagsak mo? Masaya ka pa rin ba? Oo ang alam mo naging masaya siya sa ginawa mo...