Ares' Pov
Kasalukuyan akong nasa may mini garden ng school kung saan may fountain. Dito ako nagla-lunch palagi dahil hindi ko trip kumain doon sa cafetera, masyado kasing crowded doon.
Isusubo ko na sana ang pagkain ko ng makita ko si Zeus na nagmamadaling lumabas ng cafeteria. Nakita ko din si Caerus na tumatakbo papunta sa kanya at mukhang hinahabol siya.
'Trip ba nilang mag-habulan? Kainit-init eh. '
Nagkibit-balikat nalang ako at saka sinubo ang pagkain ko.
'Baka may LQ--ay? Ba't LQ? Ehhindi naman sila lovers eh.'
Binatukan ko ang ulo ko dahil kung ano-ano nalang naiisip ko.
'Bobo mo talaga Ares! Friends lang sila kaya FQ--ay mag-bestfriend pala kaya BFQ'
Napangisi ako at napailing-iling.
'Eh? Tunog BBQ, nagutom tuloy ulit ako..'
Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko dahil baka ma-late pa ako.
Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko na yung mga libro ko at saka nilagay ang ilan sa bag ko para bawas bitbitin.
Habang naglalakad ako ay nakarinig ako ng mga bulungan tungkol sa gaganapin na sportsfest.
"Uy, Sam! Anong lalaruin mo sa sportsfest?"
"Ikaw bro, magb-baseball ka din ba?"
Akmang tatakpan ko na ang tainga ko dahil naririndi na ako sa topic nila. Kahit saan nalang. Pero may isang nagsalita na umagaw sa atensyon ko.
"Sure ka na bang maglalaro ka sa sportsfest, Kylix?"
Parang napantig yung tainga ko ng dahil sa pangalan na nabanggit kaya kahit hindi ako interesado sa sportsfest, pinilit kong pakinggan ang isasagot ni Aphrodite--este ni Kylix.
"Hmm, No choice eh." sagot niya.
Bigla naman ng tumahimik kaya naman umayos na ako ng paglalakad dahil mukhang hindi na sila nag-uusap. Pagka-akyat ko sa floor namin ay konti palang ang tao, karamihan kasi ay nasa baba pa dahil 30 minutes pa naman bago ang afternoon class.
Ako palang ang tao sa room kaya naman tuwang tuwa akong pumunta sa upuan ko dahil solo ko ang classroom at makakapag-moment ako.
Nilabas ko ang phone ko na nasa pinakasulok-sulukang bahagi ng bag ko dahil baka mahuli ako at ma-confiscate pa 'to
Sinalpak ko ang headseat ko sa tainga ko at saka nag-play ng music.
Inilapag ko ang phone ko sa arm chair ko at saka naka-pangalumbaba na tumulala.
'Hay buhay parang life.. Bakit ganito ka-boring ang high school life ko?'
Napasimangot nalang ako dahil wala manlang akong kaibigan dito sa school. Wala akong kasama sa mga problema ko sa buhay bukod sa parents ko at kay yaya.
'Kawawa naman ako..'
Ano bang feeling ng may girlfriend? Masaya ba? Nakaka-enjoy ba? Pero bakit madaming umiiyak? Ano bang feeling ng nasa isang relationship?
Napayuko nalang ako dahil wala manlang akong idea, samantalang yung iba kong classmate na lalaki, nakakailang dosena na ng girlfriend. Siguro masaya nga kasi mukhang wala silang pinoproblema at puro lang sila tawa.
Kapag nakikipag-away sa kanila yung girlfriend nila, aayaw na sila tapos maghahanap ng iba. Mukhang madali lang naman pumasok sa isang relationship. Kasi based sa mga nakikita ko, karamihan kapag nag-kaaway lang, break na agad tapos kinabukasan new relationship ulit.
BINABASA MO ANG
Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE)
Novela JuvenilNaranasan mo na ba na hindi isipin yung nararamdaman mo para lang sa taong mahal mo? Paano kung yung ginawa mong pagiisip sa nararamdaman niya ay ang maging dahilan ng pagbagsak mo? Masaya ka pa rin ba? Oo ang alam mo naging masaya siya sa ginawa mo...