Zeus' Pov
Natapos na ang klase namin pero nakabusangot pa din ang mukha ko dahil sa inis. Bakit ba lagi nalang silang magkasama? Nakakabadtrip.
Naglalakad na ako papunta sa parking lot habang kasabay ko si Xander.
"Hey, let's have a coffee!" yaya sakin ni Xander, kunot noo naman akong tumingin sa kanya.
"Ayoko, ikaw nalang." masungit kong tugon at saka ako dumiretso sa loob ng kotse ko.
Kinatok niya ang bintana ng kotse ko kaya inis ko itong binaba.
"What!?" inis na tanong ko sa kanya. Tinaas niya naman ang dalawang kamay niya.
"Hey, Chill. Gusto ko lang naman makipag-usap sayo. Its been 1 year and a half, Zeus. Don't you miss me?" pagdadrama niya pa sakin. Napairap nalang ako sa kawalan.
"Follow me." simpleng sagot ko, agad namang nagliwanag ang mukha niya at saka dali-daling pumunta sa kotse niya. Tinaas ko na uli yung bintana ng kotse ko at saka ko inistart yung makina ng kotse.
Nagsimula na akong lumabas ng school at nakita ko sa rear view mirror na nakasunod na sakin si Xander.
'Tss, masyado niya ata akong namiss.'
Habang nasa daan ako ay nakita pa akong kotse sa unahan na hindi nakaparada ng maayos. Hinayaan nalang itong nabalandra sa kalsada kaya nakakaabala ito sa ibang dadaan.
Kumunot kaagad ang noo ko at saka ako bumusina. Ilang minuto pa, hindi pa din nagrerespond yung driver ng kotse sa harap ko kaya inulit ko ulit. Pagkaulit ko ay ganon pa din kaya tinadtad ko na ng busina para mainis at umalis kaagad sa daan.
Pero mali ako dahil hindi pa gumagalaw ang kotse kaya bumaba na ako at saka pumunta sa may kotse. Tinted ang salamin kaya kinatok ko na muna ang bintana.
Ilang katok pa ay hindi pa din bumubukas kaya hinila ko na kaagad yung pinto dahil hindi naman nakalock. Pagbukas ko ay muntik ng mahulog yung babae pero agad siyang nasalo nung lalake na kasama.
'Oh fvck, no.."
Nakatulala lang ako ngayon sa dalawang tao na nasa harapan ko dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
Tila ngayon lang nalaman ng mga 'to na nasa harapan na nila ako kaya bigla silang napalingon sakin.
"Zeus!?" sabay nilang sabi kaya nagkatinginan silang dalawa. And yes, it's Ares and Kylix.
Unti-unting kumurba ang isang playful na smirk sa labi ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.
"What a great show. Sa gitna pa talaga kayo ng daan gumagawa ng moment niyo." sarcastic kong sabi. Hindi lang naman sila sumagot kaya tumingin ako kay Ares at saka ngumisi.
"Sige Ares, landiin mo lang." nakangising sabi ko kay Ares at saka tumingin kay Kylix.
"Ikaw naman Kylix, sige lumandi ka." sabi ko sa kanya kaya nakakuha ako ng isang malakas na sampal. Nakatingin pa din ako sa left ko dahil medyo masakit pa.
Dahan-dahan akong tumingin sa kanilang dalawa at saka ngumisi ng nakakaloko.
"Maglandian lang kayo." huling sabi ko at saka dali-daling dumiretso papunta sa kotse ko.
Pagkapasok ko ay agad kong dinial ang number ni Xander.
"Change route. We're going to the bar." sabi ko kay Xander sa linya at saka agad na binaba ang telepono. Bahala na, gusto kong magsenti ngayon.
Agad kong iniliko ang manibela para maka-ikot ako. Nagsimula nalang akong mag-drive papunta sa bar imbis na papunta ako sa coffee shop.
Pinark ko na kaagad yung kotse ko ng makarating ako sa tapat ng bar, natanaw ko naman kaagad si Xander na nakasunod sakin. Bumaba na agad ako ng kotse at saka ito nilock.
![](https://img.wattpad.com/cover/136961004-288-k378075.jpg)
BINABASA MO ANG
Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE)
Novela JuvenilNaranasan mo na ba na hindi isipin yung nararamdaman mo para lang sa taong mahal mo? Paano kung yung ginawa mong pagiisip sa nararamdaman niya ay ang maging dahilan ng pagbagsak mo? Masaya ka pa rin ba? Oo ang alam mo naging masaya siya sa ginawa mo...