Chapter 35

13 3 0
                                        

Zeus' Pov

Monday nanaman ngayon at heto nanaman ako, as usual, tinatamad nanamang pumasok.

Tamad na tamad akong bumangon sa kama ko at saka mabagal na pumunta sa banyo para maligo. Ilang minuto pa ay natapos na ako at saka ako nagbihis at bumaba sa kusina para kumain.

Pagdating ko doon ay nakita ko si Chloe na prenteng nakaupo habang inaasikaso ng mga maid namin ang pagkain niya.

Padabog akong naupo kaya naman inis na napatingin sa akin si Chloe habang kumakain pa.

"Ano nanaman bang problema mo! Nagalaw yung lamesa oh, tch!" inis pang sita niya sakin pero di ko na siya pinansin. Sakto namang dumating ang mga maids na mag-aasikaso sa akin kaya hindi nalang ako kumibo.

Nang matapos na nilang mai-prepare ang agahan ko ay agad na akong kumain. Kinakausap pa ko ni Chloe pero hindi ko na siya pinapansin dahil nakatuon lang sa pagkain ang atensyon ko.

Pagkatapos ko kumain ay tumayo na kaagad ako at saka lumabas ng kusina. Nakasalubong ko pa si auntie pero nilagpasan ko lang siya, nakita ko pang napataas ang isang kilay niya.

Mabilis akong nakarating sa kotse ko at mabilis ko rin itong pinaharurot papuntang school. Diretso lang sa daan ang tingin ko dahil kahit ako ay hindi ko alam kung bakit ganito kasama ang gising ko.

'Kumpleto naman ang tulog ko. Wala rin namang masama o nakakabadtrip na nangyari kahapon.'

Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa parking lot. Agad ko ng ipinarada ang kotse ko at saka ako bumaba at naglakad papunta sa building namin.

"Omg! Ayan na si Zeus. Ang gwapo gwapo niya! Hihihi!"

"Ano pa nga pa ba? Hindi naman pumanget si Zeus, 'no?"

"Oo nga, pero nasaan si Caerus? Bakit hindi niya yata kasama?"

"Oo nga 'no."

Naririnig ko pa ang mga bulungan ng mga babae sa gilid ko kaya doon ko lang na-realize na wala pa si Caerus. Nakalimutan ko din kasing i-check yung kotse niya kanina kung nandoon nga ba siya.

Hindi ko nalang sila pinansin at saka dire-diretsong pumunta sa building namin. Mabilis akong nakarating sa room kaya naman agad kong nilibot ang paningin ko para hanapin si Caerus pero napakunot ang noo ko ng hindi ko siya mapansin doon.

Inis akong pumunta sa upuan ko at saka ko tinignan ang inuupuan ni Xander at nakita kong wala din siya doon.

'Tsk, kebago-bago absent agad ng absent.'

Inilabas ko ang phone ko mula sa bag at saka ko dinial ang number ni Caerus. Nakailang ring na ito pero hindi niya pa rin sinasagot kaya inis kong pinatay ang tawag at saka tinawagan si Xander. Katulad ng kay Caerus, ilang ring lang din ang nangyari pero hindi niya rin sinagot.

Sa sobrang inis ko ay padabog kong pinindot ang end call saka sila tinext.

[To: Caerus, Xander]

[Hoy! Bakit wala pa kayo dito!?Tinatawagan ko kayo pareho pero hindi kayo sumasagot! Malelate na kayo, mga kupal!]

Matapos ko silang i-text ay kunot noo kong tinago ang cellphone ko at saka magkakrus ang braso na tumingin sa unahan.

'Lintek na yan, mukhang mag-iisa ako ngayong araw ah.'

Nanatili ako sa ganong pwesto ng mapansin kong pumasok si Ares ng pinto. Pinagmasdan ko siya habang naglalakad siya papunta sa upuan niya at saka ako napaisip.

Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon