Chapter 4

59 7 1
                                    

Ares' pov

Kasalukuyan akong nandito ngayon sa may garden ng school sa harap ng fountain dahil dito naman talaga ako madalas tumambay kapag lunch, minsan lang ako sa canteen.

Habang nakaupo ako sa bench ay naisip ko yung nangyari kanina.

'Ang ganda niya pala lalo sa malapitan..'

Ngingiti ngiti ako ngayon dito ng parang tanga dahil sa mukha niya kanina nung nagkabanggaan kami.

'Nakilala niya kaya ako? Tch, imposible. mukhang di manlang siya nagreact eh kaya mukhang di niya na ako maalala.'

Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip ko ng biglang may tanong na sumibol sa utak ko.

'Bakit ganon sila magtratuhan ni Zeus kanina sa isa't isa? Parang ang tagal na nilang magkakilala, Saka kung maasar si Zeus ay ganon nalang kaya naman nagtataka ako dahil hindi naman siya nagaganon dito sa campus lalo na ng mga babae! Pero bakit siya? Hay, sino ba siya at ganon nalang ang asar ni Zeus sa kanya?'

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa pagod sa pagiisip.

'Aalamin ko nga kung anong koneksyon nilang dalawa sa isa't isa, hmm..'

Habang nakaupo ay tinignan ko ang  wrist watch ko at ganon nalang ang gulat ko ng makitan kong 5 minutes left nalang, start na ng mapeh class namin.

Agad-agad kong inayos ang mga gamit ko at dali daling tumakbo paakyat ng hallway, Wala na akong pake kung madulas ako o ano basta ayokong ma-late!

Pagdating ko sa classroom ay para akong nakahinga ng maluwag ng makita kong wala pa ang teacher namin.

Pumunta ako sa upuan ko at pabagsak na naupo dahil sa pagod.

Di rin nagtagal ay dumating na ang teacher at nagsimula ng magpakilala ulit.

Nasa kalagitnaan kami ng pagpapakilala ng may biglang kumatok sa pintuan. Agad na napatingin yung teacher namin sa pinto at lumapit.

Gulat akong napatingin sa babae na nasa pintuan, Di ko napansin na wala pa siya sa upuan niya dahil sa sobrang pagod.

SI KYLIX yung nasa pintuan! Bakit late siya? Nakalimutan niya ba agad yung room namin?

'Ano namang pakielam mo kung late siya?'

Napapikit nalang ako sa inis ng dahil sa naisip ko. Tinignan ko ulit siya at nakita kong nakatayo pa din siya at nakatungo sa may pintuan.

"Are you a new student?" masungit na tanong ng teacher sa kanya.

"Yes ma'am." nakatungong sagot ni Kylix sa teacher.

"Alam mo bang first day of school palang pero late ka kaagad!?Ang bago-bago mo dito ganyan agad ang pinapakita mo!" galit na sigaw sa kanya ng teacher.

"Sorry ma'am." sagot niya.

"Sorry? Ha! What's your name!?"gigil na tanong sa kanya ng teacher.

"Kylix." mahinahon na sagot niya na wala manlang 'po'. Iba din 'to ah.

"Ha! Wala ka bang galang?! Kung sumagot ka akala mo kaedad mo kausap mo?!"

"Ano 'po' bang sagot ang gusto niyo? Sabihin niyo sakin at sasabihin ko sa inyo." mahinahong sagot nanaman ni Kylix, na mas lanong ikinainis ni Ma'am.

"How dare you to--" hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil biglang nagsalita si Caerus.

"Ma'am enough. We're here to study, so please just let her in. Bago lang po siya dito kaya baka hinanap niya pa yung room natin." sabat ni Caerus.

Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon