Chapter 32

14 5 0
                                    

Zeus' Pov

Today is Sunday. And as always, nandito nanaman ako sa kwarto at nakahiga. I'm bored, so fuckin' bored. Hindi ko alam ang gusto kong gawin kaya tumayo ako at saka nilibot ang paningin sa buong kwarto ko.

My room is such a mess. It has a gray and black wallpaper na mas lalong nagpadilim ng aura. My clothes on my walk-in-closet are on the floor. There were also some smudges on my nightstand table.

Napakamot ako ng ulo saka tumayo at tinignan ang katawan ko sa isang malaking mirror dito sa kwarto ko. I'm also a mess. I haven't take a bath since I woke up dahil tinatamad ako.

I decided na magkaroon ng general cleaning sa loob ng kwarto ko pagkatapos kong maligo kaya agad na kong pumasok sa bathroom at naligo.

After a minutes, nakabihis na ako mg isang simpleng white t-shirt and a gray sweat shorts. Kinuha ko ang walis at saka pandakot. Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto ko at talaga namang napakadumi nun. Kinuha ko na rin yung vacuum para sa carpet.

Sinimulan ko na munang walisin ang ilang parte na madudumi at saka ako nag-vacuum sa may gray carpet na nakapalibot sa buong kama ko. After cleaning the floor ay pumasok naman ako sa may walk-in-closet ko at saka inaayos ang pagkakatupi at pagkakasampay ng mga damit ko doon.

After kong magtupi, agad na akong kumuha ng basahan para punasan ang mga frames at tables dito sa kwarto ko. I wiped the bookshelf, study table and nightstand. After wiping those, sunod ko namang nilinis ang mga picture frame ko. Sinimulan ko ito sa isang malaking picture ko na nasa taas ng headboard ng kama ko. After cleaning it ay nilinis ko na ang ibang frame at doon, nakita ko ang picture naming dalawa.

Nakapatong ito sa may nightstand ko kaya naupo muna ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ang litrato namin. Ang saya-saya namin dito, walang problema at purong kasiyahan lang ang nararamdaman namin.

I smiled at my thought. Sad to say pero hindi na kami kagaya ng dati. We're not even friends anymore.

I wonder kung ano ng nangyari ngayon sa isang kaibigan namin na si Clarisse. Simula kasi ng magkaroon ng argument sa grupo namin ay umalis na ito at tuluyan ng lumayo sa amin.

I sighed ng dahil sa nangyari sa pagkakaibigan namin. We used to be best friends before but now, we treat each other as a stranger.

Ibinalik ko na ang picture frame na hawak ko at saka muling napabuntong hininga bago muling pinagpatuloy ang paglilinis.

'I wish that I can turn back the time kung saan masaya lang kami.'


Ares' Pov

Tanghali na ng nagising ako ng dahil sa date--I mean, gala? Ewan. Nakatunghay lang ako ngayon habang nakaupo sa kama ko. Kakagising ko palang pero ang lungkot ko na kaagad ng maalala ko yung nangyari kagabi.

Ang sakit lang sa feeling dahil ang akala ko, magkaibigan na kami pero kaklase lang pala ang turing niya sakin. Naramdaman ko ang luha na nagbabadyang tumulo kaya agad kong kinusot ang mata ko bago pa yun tuluyang tumulo.

Nag-overthink talaga ako kagabi ng dahil sa sinabi niya sa akin. Naisip ko na baka hindi talaga ako bagay maging kaibigan dahil ni minsan, hindi pa talaga ako nagkakaroon ng kaibigan.

Kahit tinatamad at labag sa kalooban ko ay tumayo na kaagad ako at saka naligo. After kong maligo ay bumaba na kaagad ako papunta sa kusina at nakita ko naman doon si Yaya Nilda.

"Magandang umaga, ijo. Tinanghali ka ata ng gising ah? Mukhang naging memorable ang date mo kagabi." nakangiting bati sakin yaya. Ayokong idamay siya sa mood ko kaya nginitian ko nalang din siya at saka tumango.

Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon