Zeus' Pov
'Ampucha, ang lakas ng loob niyang sapukin ako ah!'
Napangiwi ako habang nakahawak sa labi kong kasalukuyang dumudugo ngayon. Nakatingin naman sakin ang lahat ng mga kaklase ko kaya ng tinignan ko sila ng masama ay umiwas agad sila ng tingin.
Nakita ko namang mabilis na tumayo si Caerus at saka lumapit sakin. Ganon din si Xander.
"Zeus, anong nangyari?" halos magkasabay na tanong ni Caerus at Xander. Napailing naman ako saka tinuro ang nilabasan ni Ares.
"Yung gagong Ares na yun, sinuntok ako! Lintek sa yabang. Pasalamat siya at medyo nagulat ako kaya di kaagad ako naka palag." pasigaw na kwento ko kaya naagaw ko ulit ang atensyon ng mga kaklase ko.
"Bakit ano bang nangyari?" tanong pa ni Caerus. Tinignan ko lang naman siya saka ako umiling at tumayo. Napahawak naman sa wrist ko si Xander.
"Oh dude, san ka pupunta? Injured ka pa, magcacutting ka agad?" sabi pa ni Xander pero tinanggal ko lang ang pagkakahawak niya sakin.
"Kailangan kong sundan si Kylix." huling sabi ko at saka tumakbo papalabas. Narinig ko pang napamura si Xander at Caerus ng dahil sa katigasan ng ulo ko pero hindi ko sila pinansin.
Nagtatakbo ako kung saan saang parte ng school hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa garden ng school. Napatigil ako sa pagtakbo ng makita ko silang magkayakap habang parehong umiiyak.
Parang nilalamukos ang puso ko ng dahil sa nakikita ko ngayon kaya wala sa sariling napakuyom ang kamao ko ng dahil sa kirot na nararamdaman ko.
'Fck, bakit pa ba ko sumunod?'
Patuloy lang ako sa pag tanaw sa kanila hanggang sa may marinig akong boses sa gilid ko.
"Masakit ba?" tanong ng kung sino kaya agad akong napatingin dito. Nakita ko yung babae naming kaklase na kaka-transfer lang din. Yung dikit ng dikit kay Ares.
"Miah?" tanong ko. Nakatingin din siya kila Kylix at nakikita ko rin na nasasaktan siya. Tumingin siya sakin at saka ngumiti ng may halong lungkot.
"Bakit ganon 'no? Bakit kahit anong gawin nating paraan para mapalapit satin yung taong gusto natin, hindi pa rin tayo yung pinipili nila?" tanong nito sakin habang malungkot na nakangiti. Napabuntong hininga naman ako at saka napayuko. Nararamdaman ko ang pagbabadya ng mga luha ko pero pilit ko itong pinipigilan dahil ayaw kong umiyak sa harap ng kung sino.
"Hindi ba talaga tayo enough? Hindi ba talaga pwede na tayo naman yung piliin?" emosyonal pang dagdag nito hanggang sa narinig kong napapahikbi na rin siya habang nakakuyom ang kamao niya.
"Kung ano ano ng kagagahan ang ginawa ko para mapasakin siya pero the heck! Si Athena nanaman ang pinili! Bakit pa kasi niligtas ni Ares ang babaeng yan!!" biglang galit nitong sabi. Gulat naman akong napatingin sa kanya at saka napailing.
"W-what do you mean?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sakin habang may namumuong mga luha sa mata niya.
"I was the one who planned the accident they had a few years ago. I planned everything to make him mine pero tangina naman, siya pa rin yung pinili!" pag amin nito sakin at saka napaupo at humagulgol. Habang ako ay natulala naman sa kawalan dahil hindi pa nagsisink-in sa isip ko ang inamin niya sakin.
BINABASA MO ANG
Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE)
Novela JuvenilNaranasan mo na ba na hindi isipin yung nararamdaman mo para lang sa taong mahal mo? Paano kung yung ginawa mong pagiisip sa nararamdaman niya ay ang maging dahilan ng pagbagsak mo? Masaya ka pa rin ba? Oo ang alam mo naging masaya siya sa ginawa mo...