Chapter 9

28 7 2
                                    

Kylix's Pov

Araw ng sabado ngayon pero di ako pumasok. Di ko nga alam kung bakit pati pag sabado may pasok sa school na yan eh, tss. Ang routine daw kasi ng mga highschool sa school na yun ay every first week of the month ay may pasok ng saturday pero half day lang naman. Habang nandito ako ngayon sa kwarto ay di ko maiwasan ang malungkot dahil naaalala ko pa rin yung mga nangyari kagabi. Ang sakit pa rin talaga, hindi ko alam kung magagamot pa ba 'to o ano. Habang nakatulala sa kawalan ay biglang may kumatok sa pintuan ko kaya naman napatingin ako doon ng marinig ko ang boses ni Mommy.

"Kylix? Are you still sleeping?" tanong ni mommy habang nasa labas ng pinto.

"I'm awake, mom. Come in." walang ganang sagot ko.

Pag-pasok ni mommy sa kwarto ko ay biglang bumakas ang awa at pag-aalala sa mukha ni mommy, Marahil ay hindi niya naisip na ganto pala ang pinagdadaanan ng anak niya.

"Kylix anak, Are you ok? Our maids told me na you don't want to go to school. Is there a problem, anak?" nag-aalalang tanong sakin ni mommy. Napabuntong hininga nalang ako at saka umiling, Ayokong pag-usapan yung problema kong yun dahil baka umiyak nanaman ako, ayoko ng umiyak.

"Hay anak, I am your mom. Pwede mong sabihin sa akin lahat ng problems mo, handa akong makinig anak hindi kita ijujudge." sabi sakin ni mommy.

Napatingin naman ako sa kanya at pinag-isipan kung sasabihin ko ba, nagtatalo ang puso't isipan ko pero sa huli ay ang puso ko nanaman ang nag-wagi.

"Mom, I-i still love him. I c-can't move on, it really hurts." pag amin ko kay mommy habang namumuo ang mga luha ko dahil nanaman sa sakit na nararamdaman ko.

'Damn this pain! I really want to kill this pain!'

"Siya ba ulit anak? Ang first love mo?" nakangiting sabi sakin ni mommy. Parang bata naman akong tumango sa kanya.

"Alam mo anak, you really can't move on because you still love him of course, haha! Kylix anak, hindi ka talaga makakamove on kung nag-iistay ka sa memories and pagmamahal mo sa kanya, you should know how to move forward."

"I know mom, I know that I really need to learn how to move forward but that moving forward is not damn easy for me, mom!" reklamo ko kay mommy. Ngumiti naman siya.

"I know, that's why I'm here to help you, not as a psychiatrist but as your mom." nakangiting sabi sakin ni mommy. I really love her, she's so perfect for me even though she's always busy. I love the way she show her love and care for me.

"Thank you mom, thank you for being like this." nakangiti at sincere na sabi ko kay mommy.

"Your welcome, baby. It's my responsibility to comfort you because you are my child." sabi ni mommy kaya naman walang alinlangan ko siyang niyakap. Matagal na din simula ng nayakap ko si mommy kaya naman nagulat siya at biglang napaluha.

"Don't cry mom. I am the brokenhearted, not you." saway ko sa kanya ng makita kong tumulo yung luha.

Tinawanan naman ako ni mommy saka kami muling nag-yakapan. Na-miss ko yung ganto namin ni mommy.

"Basta tandaan mo baby, just let the past to be past. Don't bring it back, ok?" tumango ako at saka siya hinalikan sa pisngi dahilan para mamula si mommy at kurutin ang pisngi ko.

"I miss that baby! Hope you will be fine soon." nakangiting sabi sakin ni mommy.

"I will, mom." nakangiti kong sagot kay mommy saka siya nag-paalam dahil kakarating niya lang daw kanina at di pa siya nagbibihis, naawa ako kay mommy dahil lagi nalang silang pagod ni daddy sa trabaho wala na silang time para mag-rest. Buti nalang at hindi pa ulit ako nagkakaroon ng photoshoot ngayon.

Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon