Chapter 33

15 4 0
                                    

Ares' Pov

Madilim. Yan ang masasabi ko sa nakikita ko ngayon. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at may nakita akong liwanag at mga tao sa harap ko.

Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko, marahil ay dahil sa tagal kong pagtulog sa silid na ito. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang mga tao na may mga luha sa kanilang mga mata ng dahil sa tuwa.

"Oh my God, Ares! You're awake!"

"Honey, Ares is awake!"

Patuloy lamang sila sa pagsasaya habang ako'y nagtatakang nakatingin sa kanila. Lumapit sa akin ang isang babae na mukhang nasa edad 30 pataas. Sinalubong niya ako ng isang mahigpit na yakap habang umiiyak.

"My baby.. I'm so glad to see you awake." umiiyak na sabi sakin ng babae. Nagtataka lang naman akong nakatingin sa kanilang lahat dahil hindi ko magalaw ang aking katawan, feeling ko ay pagod na pagod ako.

Hindi pa natatapos ang sinasabi sakin ng babaeng nakayakap sakin ay may isa pang babae na nagsalita.

"A-ares.."

Mahihimigan sa boses nito ang pangungulila at the same time ay kasiyahan. Tinignan ko ang dalagang nakatayo sa harap ng pinto, maluha luha siyang nakatingin sakin at ngumiti. Agad na umalis sa pagkakayakap sakin ang babae at pinunasan ang luha.

Dahan dahan na lumapit sakin ang dalaga na sa tingin ko ay kasing edad ko. Bakas sa mga mata niya ang kagalakan ng makita niyang gising na ko. Kagaya ng nauna, ay sinalubong niya rin ako ng isang mahigpit na yakap.

"Oh my God, Ares! God knows how much I missed you." umiiyak na sabi niya habang nakayakap sakin. At kagaya ng reaksyon ko kanina, nakatunghay lang ako at hindi gumagalaw.

Nang makawala na ako mula sa yakap niya ay nagsalita ako kahit na sobrang nanunuyo ang lalamunan ko.

"S-sino k-kayo?" mahina at nagtatakang tanong ko. Napatakip ng bibig ang kaninang babae na unang yumakap sa akin at saka humagulgol. Agad naman siyang niyakap ng isang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad 30 pataas din.

Hindi maipaliwanag ang reaksyon ng lahat. Gayundin ang babaeng nasa harap ko na kanina lang ay yumakap sa akin. Nakatulala lang siya sakin at halatang hindi pa rin makapaniwala.

"H-hindi mo ako maalala?" di makapaniwalang tanong ng dalaga. Dahan-dahan naman akong umiling sa kanya bilang sagot.

Matapos ko siyang sagutin ng iling ay siya ding pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata. Nakatingin lamang siya sakin at nakikita ko sa mga lumuluha niyang mata ang sakit na kanyang nararamdaman.

She wiped her tears at saka ako muling kinausap. Bakas pa rin ang lungkot at sakit sa mga mata niya.

"I'm still glad dahil gising ka na. You may forget about me pero sinasabi ko sayo, yang puso mo ay pilit na maaalala ang pag-ibig mo sakin." sabi niya sakin habang tumutulo ang luha. Muli ay pinunasan niya ang mga luha na iyon at saka lumapit sa akin at bumulong.

"Magsisimula ulit tayo, sana ako'y maalala mo na para matuloy na natin ang pag-iibigan na naudlot at napinsala." makatang sabi niya at saka hinalikan ang noo. Hindi agad ako nakapag react ng dahil sa ginawa niya dahil agad na siyang umalis pagkatapos nun.

"Ares!"

Agad akong napabangon ng marinig ko ang nag-aalalang boses ni mommy. Sinalubong niya kaagad ako ng isang mahigpit na yakap.

Unmindful Thoughts (ON GOING, SLOW UPDATE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon