Don't Follow Me - Chapter 2

1.3K 18 0
                                    

Montero Residence

"Lisa! Bilisan mo!" Sigaw ni Angela o Angie na bestfriend ni Melissa.

"Okay, saglit lang." Sagot ni Melissa habang nag bubotones ng damit.

Pupunta kasi sila sa mall para mag ice skating.

"Black o red?" Biglang tanong ni Melissa kay Angela.

Pinunto ni Angela ang itim. Itim na sapatos.

Pagka suot ni Melissa ng kanyang sapatos, ready na si Angela umalis. Kaya naman kahit nagsasapatos pa ang kanyang kaibigan, agad na niyang binuksan ang pintuan nila para magmadali na si Melissa. Ngunit, sa pagbukas ng pintuan, biglang may nakita si Angela, at kulang na lang ay sumuka siya.

"My god."

Napatingin si Melissa sa kung saan naka tingin si Angela.

Medyo nagulat din siya.

"Hindi ako makapaniwalang marunong palang mag lakad yan palabas ng bahay nila." Sabi ni Angela habang nakatitig siya sa kanyang nakikita, since katapat lang ng bahay nina Melissa ang bahay nina Daniel na lumabas ng bahay na naka jacket, pantalon, rubber shoes, at salamin as usual, at ang relo niyang kahit kailan ay hindi niya hinubad.

Samantala, napuna ni Angela na hindi nagsasalita si Melissa, kaya tumingin siya dito habang katatapos lang niya mag suot ng sapatos.

Tinaas ni Melissa ang dalawang balikat niya na parang nagsasabing hayaan na lang siya.

Si Angela ang nagdadrive ng kotse habang nasa tabi niya si Melissa.

"Tignan mo siya." Biglang sabi ni Angela habang nagdadrive ng sobrang bagal dahil medyo sinusubaybayan niya ang bawat galaw at lakad ni Daniel na napaka wirdo.

"San nanaman kaya siya pupunta?" Tanong ni Angela.

"Baka naman makikipag kita sa kaibigan."

"Kaibigan?"

"Malay mo."

Hanggang sa...

Binusinahan ni Angela ng pagkalakas lakas si Daniel, at kitang kitang nagulat siya ng husto, at ganun din si Melissa.

Binaba ni Angela yung bintana malapit kay Melissa at tinawag si Daniel.

Lumingon siya, ngunit walang emosyon o kahit anong ngiti sa kanyang mukha.

"Stalk much?" Biglang sabi ni Angela na ikinagulat ni Melissa.

"Angie?"

"Bakit? Ang weird niya."

"Hayaan na lang natin siya."

Inisnaban niya si Melissa at sinabing, "anyway, bagay kayo." At sabay sinara na ang bintana at nag drive palayo habang iniwan nila si Daniel na nag uumapaw sa galit.

Stalk much. Naiwan ang salitang yun sa isipan ni Daniel. At isa pa, kinabahan siya. Alam na ata ni Angela na sinusundan niya si Melissa kahit saan siya magpunta.

Ang totoo kasi niyan, dumungaw si Daniel sa kanyang bintana para tignan kung anong nagaganap sa loob ng bahay nina Melissa. At ayun, sakto, nung nakita niyang pumwesto na si Angela sa pintuan, agad agad na siyang lumabas habang hindi nagpapahalata. Kaya eto, kabadong kabado na siya, at higit sa lahat, galit na galit na siya.

Don't Follow MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon