Nakarating si Daniel sa isang lugar na hindi pa niya napupuntahan, kung saan maraming mga bata ang naglalaro. Napansin niyang malayo layo na rin ang kanyang narating at mas gugustuhin niya na yun kaysa makita si Freida. Samantala, tumahan na siya sa pag-iyak at hindi na rin niya pinapalo ang sarili sa ulo. Umupo siya sa isang rampa at pinanood ang mga dumadaan.
Sa kaliwang tenga niya, naririnig niya ang hangin, habang ang kabilang tenga naman ay ang ingay ng mga tao. Sa kabila nun, bigla siyang may narinig na pamilyar ang tawa. Hindi bata, kundi mukhang kasing edad lang niya.
Lumingon lingon siya kung saan nanggaling yun.
Si Melissa? Tanong niya sa sarili.
Pinunasan niya ang kanyang mga mata.
Si Melissa nga.
Ang liit nga naman talaga ng mundo. Kung ganun, ano palang ginagawa niya dito? Bakit saktong dito pa niya makikita si Melissa? Tadhana?
Agad siyang tumayo at naglakad ng konti para mas makita pa siya ng husto. Nakita niyang nakikipag tawanan ito sa isang lalaki.
Ryan? Tanong niya sa kanyang sarili.
Bigla nanamang kumulo ang kanyang dugo sa kanyang nakita.
Anong ginagawa niya dito at magkasama silang dalawa ni Melissa?
Sila na ba? Sa isip isip ni Daniel.
Naglakad pa siya ng konti malapit sa kanila ng biglang napa dalawang tingin si Melissa sa kanya.
Shit! Patay na. Sabi niya sa sarili.
Samantala, hindi sila nagka titigan dahil bago pa siya makita ng tuluyan sa pangalawang tingin sa kanya ni Melissa, ay bigla na siyang nakapag tago sa likod ng isang pader.
Phew. Muntikan na siya dun. Since hindi siya pwedeng lumapit sa kanya, nag abang na lang muna siya sa isang tagong lugar kung saan tanaw niya pa rin si Melissa kahit papano. Matagal tagal din siyang nag hintay sa kanya habang pinapanood silang dalawa ni Ryan na nagtatawanan. Sa loob loob niya, banas na banas na siya kay Ryan at gusto na niya itong tirisin o lunurin kagaya ng ginawa niya noon sa isa nilang kaklase. Matagal na panahon na rin silang hindi nagkita ni Ryan, kaya hindi na siya makapag hintay sa reaksyon niya pag dumating na ang panahon na magku-krus na ang kanilang landas.
Gusto niyo bang malaman ang katotohanan? Well, simple lang naman.
Nung araw na nilulunod ni Daniel si Tony nung grade 5 sila, may rason kung bakit. Si Tony ay kaibigan din ni Ryan, ngunit ayaw niya kay Daniel. Madalas, inaasar niya si Daniel na baliw at lunatic kahit na may pinagkaiba iyon sa term na autistic. Nangingisda si Daniel, at enjoy na enjoy niya yun hanggang sa nakahuli siya ng isda na pwede niyang i-share sa ka-partner niyang si Ryan. Sa kasamaang palad, biglang dumating si Tony, inagaw ang salamin na suot niya at pilit na kinukuha ang isda kay Daniel. Ngunit nung ayaw itong ibigay sa kanya, siya na mismo ang kumuha at nilagay sa likod ng bato. Pagbalik ni Tony sa tubig, binato niya ang salamin ni Daniel na nasalo niya. At hindi lang yun, binuksan niya ang zipper ng pantalon niya at tinapat ang kanyang ari kay Daniel para ihian siya. Pero bago pa mangyari yun, agad hinila ni Daniel ang buhok niya at nilublob siya sa tubig. Nung may nakakita sa kanya, yun lang ang kanilang nakita at hindi nila alam ang buong katotohanan.
Sa takot ni Tony, binalik na lang niya yung isda dahil natakot siya kay Daniel simula nun. At since hindi rin siya makaganti sa kanya, siniraan na lang niya si Daniel, since hindi naman daw marunong magsalita si ito at kahit kailan ay hindi sasabihin ang buong pangyayari.
BINABASA MO ANG
Don't Follow Me
RomanceTHERE'S ONE WHO CAN SIMPLY NEVER STOP FOLLOWING YOU. Talagang may isang tao ang hindi titigil sa pagsunod sayo. Sundan mo siya sa nakakabaliw na mga pangyayari sa kanyang buhay, at alamin ang mga nakaka baliw na mga pagsubok na kinakaharap niya. Fin...