Don't Follow Me - Chapter 26

482 3 0
                                    

2:37 a.m.

May isang malakas na katok sa labas ng bahay ng mga Francisco sa oras ng tulugan nila. Nagising si Freida habang nagtataka siya kung sino ang kakatok ng ganitong oras.

Pagbaba ni Freida ng hagdan, sumilip siya sa bintana kung sino ang kumakatok sa pintuan nila, at napansin niyang nakabukas lahat ng ilaw sa kabilang bahay, at maraming tao ang nakiki usisa dito. Nakita rin niyang may mga pulis na nakatayo sa harapan ng bahay nina Melissa, habang yung mga kotse ng mga pulis ay umiilaw ng sobrang liwanag na halos nasisilaw na siya.

Nakakapagtaka, kaya agad ng binuksan ni Freida ang pintuan nila.

"Mrs. Francisco?"

"Yes, Freida Francisco."

"May warrant of arrest ho kami para kay Daniel Francisco."

"A-ano? Anong ginawa ng anak ko?"

"Siya ho ang prime suspect sa panggagahasa kay Melissa Montero."

Nanlaki ang mga mata ni Freida at hindi siya makapaniwala.

"Hindi niya magagawa ang bagay na yun."

Hindi pinansin ng pulis ang sinabi niya, at agad na lang sila pumasok sa bahay ni Freida habang parang nanliliit siya sa laki nila.

May dalawang pulis ang umakyat sa taas, habang yung isang nakausap niya ay nagmamasid sa baba.

Tumakbo si Freida pataas ng kwarto ni Daniel para pigilan ang mga pulis, pero huli na ang lahat, dahil nakapasok na sila at nakabukas na ang ilaw ng kwarto ni Daniel.

"Daniel!" Sigaw ni Freida habang gusto na niyang umiyak.

"Ma!" Iyak ni Daniel. "Bitawan niyo 'ko!"

Pagdating ni Freida sa kwarto niya, nakita niyang hawak hawak na ng dalawang pulis si Daniel na nakadapa sa sahig. Awang awa siya sa itsura ni Daniel, dahil yung kanang pisngi niya ay naka dikit sa malamig na sahig habang yung isang kamay nung pulis ay nakahawak sa ulo ni Daniel. At yung dalawang kamay niya ay nasa likod, pinoposasan siya nung isang pulis.

"Bitawan niyo ang anak ko!"

"Ma! It hurts... it hurts!"

"Wag niyo siyang saktan please."

Kahit anong sabihin ni Freida ay hindi siya pinakikinggan ng mga pulis.

Napa upo na lang siya sa sahig habang sinusubukan niyang kausapin si Daniel na lumuluha na rin kagaya ng kanyang ina.

"It's okay, anak. It's okay."

"Anong ginawa ko ma?" Iyak ni Daniel.

"Wala, wala kang ginawa."

"Whatever it is, wala akong ginawa. I didn't do it."

"I know."

"I didn't do it, ma. I'm sorry."

"I know."

Nung tapos na siyang posasan, agad na siyang tinatayo ng mga pulis. Pero bago pa ang lahat, may sinabi siya sa kanyang ina ng pabulong.

"Get rid of her."

Tumahan si Freida sa pag-iyak, at natanto niyang alam ni Daniel kung sinong may gawa nito sa kanya.

Don't Follow MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon