One two, Lisa's coming for you.
Three four, better lock your door.
Five six, grab your crucifix.
Seven eight, never stay up late.
Nine ten, Daniel's dead again.
9:15 p.m.
Hinintay ni Freida na makatulog ng maayos si Daniel habang nakatayo siya sa tapat ng kama niya. Nung nakita niyang ayos na at tahimik na ang lahat, agad siyang pumunta ng bintana para ayusin ang kurtina. Ngunit nung isasara na niya dapat ito, napatingin siya sa bahay nina Melissa, kung saan sa taas nun ay makikita ang bintana niya na katapat ng bintana ni Daniel.
May nakita siyang nakatayo sa bintana na tila ba parang nagtatago sa likod ng kurtina, at sa tingin ni Freida ay nakatingin ito sa kanya kahit pa na hindi kita ang mukha. Inisip niyang si Melissa ito. At nung kakawayan na niya sana, bigla na itong umalis.
Nagtaka si Freida at hindi na lang pinansin, at sinara ang kurtina ng sobrang ayos.
Paglabas niya ng kwarto ni Daniel, dahan dahan niyang sinara ang pintuan nito at sabay dumiretso na sa kanyang kwarto. Bago siya matulog, siya ay nagbabasa muna, at ito ang nagsisilbing pampatulog niya. Gusto niya ang feeling na safe na ang lahat, lalo na't nakakatulog na ng maayos si Daniel.
Ilang saglit lang, unti unti ng pumipikit ang mga mata ni Freida, hanggang sa nabitawan na niya ang kanyang libro sa kama at nakatulog na agad ng hindi niya namamalayan.
Paggising niya ng umaga, naabutan niya si Daniel sa sala na nagbabasa sa sofa ng isa sa mga paborito niyang libro, ngunit hindi ita makita ni Freida.
"Good morning." Sabi ni Freida.
Walang sagot si Daniel, at sobrang busy sa pagbabasa.
"Kumain ka na ng almusal?"
Walang sagot.
Ngumiti lang si Freida sa kanya at sabay diretso na ng kusina para maghanda ng almusal. Ng biglang...
*blag!
Nagulat si Freida at napatakbo siya sa sala dahil dun nanggaling ang ingay. May mga basag na salamin sa sahig, at may isang malaking bato, at nakitang may bumato ng bintana nila.
"Daniel."
Hinanap ni Freida ang kanyang anak, at natagpuan niya ito na nakatakip ang tenga sa sahig. Lumapit siya sa kanya.
"Are you okay?"
Walang sagot.
"Daniel, nakita mo ba sinong bumato?"
Walang sagot.
"Anak." Hinawakan niya si Daniel, ngunit tumalsik siya.
Nagulat siya sa lakas ni Daniel, at nakalimutan din niyang ayaw ni Daniel ang hinahawakan siya ng bigla bigla.
Sabihin mo sakin kung sinong may gawa nito. Sa isip isip ni Freida habang naluluha siya. May kutob siyang alam ni Daniel kung sino ang may gawa nito, at alam din na may Asperger's ang kanyang anak. Malakas talaga ang kutob niya na merong gustong magpatumba kay Daniel, at alam kung anong mga kahinaan niya.
Tumayo si Daniel at tumakbo pataas ng kwarto, ngunit hindi siya pinalampas ni Freida. Sinundan siya ng kanyang ina, hanggang sa nagpang-abot sila sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
Don't Follow Me
RomanceTHERE'S ONE WHO CAN SIMPLY NEVER STOP FOLLOWING YOU. Talagang may isang tao ang hindi titigil sa pagsunod sayo. Sundan mo siya sa nakakabaliw na mga pangyayari sa kanyang buhay, at alamin ang mga nakaka baliw na mga pagsubok na kinakaharap niya. Fin...