After makitaan si Daniel ng Asperger's, siya ay agad na dinala sa isang specialist para gumabay sa kanya. Siya ay nagkaron ng behavioral and speech therapy kung saan tinulungan siyang ma-improve ang kailangan niyang ayusin. Kung hindi siya naagapan, ay malamang hindi marunong magsalita si Daniel ng maayos, at hindi rin siya marunong makitungo sa iba, kahit pa na minsan ay kulang siya sa emosyon.
Naka upo siya ngayon ng mag-isa sa sahig habang nag-iisip kung ano ng gagawin niya. Gulong gulo siya sa nangyayari simula nung nakilala niya si Melissa. Yung akala niyang magiging masaya ang lahat, ay hindi pala. Naisip din niya na kung bakit pa kasi kailangang lumitaw ni Camille sa tuwing andiyan si Melissa. Pero kung wala din si Camille, ay hindi niya makikita ang tunay na pagkatao ni Melissa. Nahalata niya agad na parang may iba sa kanya simula nung nagkalapit na sila. Sobra siyang selosa, at may mga attitude at behavior siya na bigla biglang lilitaw sa tuwing nag-iiba ang mood niya. Pag galit siya, galit siya. Pag gusto niyang manakit, mananakit siya. Lahat ng gusto niyang gawin, ay gagawin niya. Walang mali para kay Melissa. Wala siyang konsensiya. Hindi alam ni Daniel ngayon kung anong nangingibabaw, galit ba o tuwa. Nagagalit siya dahil hindi niya alam na may mga tinatago pala si Melissa sa kanya, no wonder. Natutuwa siya, dahil nakahanap na talaga siya ng rason na hindi talaga si Melissa ang para sa kanya.
It's so unfair ng mga tao pagdating kay Daniel, pero hindi niya ginusto ang kaawaan siya dahil wala naman talagang problema sa kanya. Tao lang din naman si Daniel, may mga pangangailangan siya na kailangan din ng ibang tao na walang Asperger's.
Minsan, hiniling na lang niya na sana hindi na siya pinanganak sa mundo dahil sa kanyang kalagayan. Wala naman talagang problema sa tutuosin, pero hindi niya maintindihan ang kanyang sarili.
Ilang ulit na rin niyang tinanong ang kanyang ina kung pangit ba siya, na kung mukha ba siyang tanga, na kung gaano ba siya ka-wirdo. Pero ang mga sagot ni Freida lagi ay mga positibo, at totoo lahat ng mga sinasabi niya kay Daniel.
Ni minsan, hindi niya nakitang mukhang iba si Daniel sa mga ibang bata na lumaki na diyan sa tabi tabi. Ni hindi niya nakikita ang Asperger's ni Daniel, kaya madalas niyang nakakalimutan ang lahat, pati na rin ang mga ayaw ni Daniel. Kaya nung minsang ilapat lang niya ang dulo ng kanyang daliri sa balat ni Daniel; makikita na lang niya agad ang kanyang sarili na halos ten feet apart na sila. Ayaw niyang makita si Daniel as someone with Asperger's, pero gusto niyang makita si Daniel... as Daniel.
Wala naman ng ibang nagpapatakbo ng mundo niya kundi ang nag-iisa niyang anak, ang kanyang buhay.
Hangga't maaari, gusto niyang ibigay ang lahat ng gusto ni Daniel. Pero may times na may mga pagkukulang siya at gusto niyang itama ang mga 'yon.
Mahal na mahal ni Freida si Daniel, at mahal din ni Daniel si Freida kahit na hindi niya ito naipakita ni minsan. Ramdam ng kanyang ina kung anong nararamdaman niya, kaya wala na siyang dapat pang itago sa kanya.
Lumabas si Daniel ng kanyang kwarto at pinuntahan ang kanyang ina sa kwarto nito. Matapos siyang makita ni Freida, agad lumiwanag ang mukha niya.
Napatayo si Freida. "Daniel, are you okay?"
"You have to promise me na hindi ka magagalit."
Lumapit si Freida kay Daniel.
"Bakit naman ako magagalit? What is it?"
"Matagal na kaming wala ni Melissa."
"Oh, Daniel. I'm so sorry anak. I should've known."
"Ako nakipag break sa kanya."
Hindi nakapagsalita si Freida, habang gusto niyang ipakita kay Daniel na ayos lang yun.
"H-how? I mean, why?"
Yumuko si Daniel at sinara ang dalawang kamay niya. Nakita ito ni Freida, at nag-alala siya ng husto. Sa tingin kasi ni Freida, ay nasasaktan si Daniel dahil wala na sila ng first girlfriend niya. Pero hindi yun ang dahilan.
"Daniel, it's alright."
Sinara ni Daniel ang dalawang mata niya ng sobrang diin habang dinuduyan niya ang kanyang dalawang braso.
Gusto na niyang sabihin ang lahat, kaso hindi niya alam kung pano niya sisimulan ito.
Tumalikod siya.
"Good to see you, sir. I think I have some mail for you. I was gonna drop it off this afternoon of all the second battalion mail, but since you're here..." Biglang sabi ni Daniel.
"Daniel, you can say it. Sinong nanakit sayo?"
"M-m..." Hindi mailabas ni Daniel ang gusto niyang sabihin.
"Go on... you can do it Daniel."
"M-m—"
"Melissa?"
Napatingin sa kanya si Daniel, at hindi siya nakapagsalita.
"Is it Melissa?"
Walang sagot.
"Daniel. Is it Melissa?"
Umiwas ng tingin si Daniel sa kanya. Kaya naman nilapitan niya si Daniel at tumingin sa kanya ng diretso.
"Is it Melissa? Si Melissa ba ang nananakit sayo all this time?"
Walang sagot si Daniel. Pero agad nakuha ni Freida ang sinasabi ng mga mata ni Daniel habang nakayuko ito.
"Sabi na nga ba. My god, Daniel."
"I'm sorry."
"No, it's not your fault anak." Pagkasabi ni Freida nun, agad siyang yumakap sa anak niyang mas matangkad na sa kanya. At nagulat siya dahil niyakap din siya pabalik ni Daniel, dahil never niyang ginawa ito sa kanyang ina. Ang maganda pa nun ay, ang higpit ng pagkakayakap sa kanya nito.
"Papatayin niya tayo, ma."
Nagulat si Freida, habang nakayakap pa rin ng sobrang higpit sa kanya si Daniel.
"What do you mean na papatayin niya tayo?"
"Sabi niya pag nagsumbong ako, babasagin daw niya bungo mo. Pero damay na rin ako dun. Hindi pwedeng ikaw lang mamamatay, ako rin. Hindi ko kaya na mawala ka ma, I can't." Naiyak si Daniel, habang hindi niya namamalayan na naiiyak na rin ang nanay niya. Na-touch si Freida sa sinabi ni Daniel, habang nakakaramdam siya ng awa sa kanyang anak, at galit kay Melissa. Niyakap niya si Daniel ng mas mahigpit pa habang naaamoy niya ang buhok nito na amoy baby powder, as always. Nakayakap siya sa mala-higanteng balikat ng anak niya, at hindi niya akalaing muli niya itong mayayakap ng mahigpit.
"Daniel." Tawag ni Freida.
"Yes?"
"I have a plan. Are you ready kahit anong mangyari?"
Bumitiw si Daniel sa pagkakayakap, at tumingin sa kanyang ina, at sinabing, "I'm in."
--------------------------------------
Thanks for reading this chapter. You can now proceed to the next one. :)
BINABASA MO ANG
Don't Follow Me
RomanceTHERE'S ONE WHO CAN SIMPLY NEVER STOP FOLLOWING YOU. Talagang may isang tao ang hindi titigil sa pagsunod sayo. Sundan mo siya sa nakakabaliw na mga pangyayari sa kanyang buhay, at alamin ang mga nakaka baliw na mga pagsubok na kinakaharap niya. Fin...