Don't Follow Me - Chapter 20

552 2 0
                                    

Pagdating ni Melissa sa bahay nina Daniel, agad niyang hinanap si Daniel sa baba. Nung nakita niyang wala naman ito, dun na siya umakyat sa kwarto niya, ngunit wala din dito.

Umupo siya sa kama ni Daniel at kinalikot ang mga drawer ng night table niya at nakitang mga walang laman, at kung meron man, maaayos ito.

Sa sobrang inip niya, bumalik siya pababa at dun na niya nakita si Daniel na nakatayo sa sala at nakita siya.

"Hi." Sabi ni Melissa habang bumababa siya.

Iba ang itsura ni Daniel, at mukhang nagulat siya.

"San ka galing? I've been looking for you."

Walang sagot.

"Nakakita ka ba ng multo?" Tanong ni Melissa habang nakatingin lang sa kanya si Daniel.

"Are you okay?" Pagkatanong ni Melissa, bigla siyang lumapit kay Daniel, pero umatras siya ng sobrang layo sa kanya.

"Don't follow me, huh?" Sabi ni Melissa.

Walang pa ring kibo si Daniel.

"Stop pretending Daniel. Alam kong gusto mo pa rin ako. So please." Sabi niya ulit habang mas lumalapit pa siya lalo kay Daniel para yakapin siya, ngunit layo ito ng layo sa kanya. At maya maya pa, hindi na rin kumibo si Melissa at nag kunyari sa pag-iyak.

Ng biglang...

"Get out." Sabi ni Daniel.

Feeling ni Daniel ngayon ay mag pa-panic nanaman siya in any moment. At mukhang hindi niya kayang labanan ang nararamdaman niya, kaya naman agad siyang napatakbo sa kusina.

"San ka pupunta?"

Sinundan siya ni Melissa sa kusina, at nakita siya sa pader na nakasandal habang naka takip ang tenga.

"Daniel? What's wrong? Wala namang maingay." Asar ni Melissa.

"Get out."

"Daniel--"

"I said, get out!"

"No!"

Nagsisigawan na silang dalawa habang naka takip pa rin ang dalawang tenga ni Daniel. Gusto niyang umiyak at nanginginig na ang mga tuhod niya sa takot. At napuna ito ni Melissa.

"Oh, Daniel. I'm sorry na, okay?" Sabi ni Melissa habang papalapit siya.

"Lumayo ka sakin." Sabi ni Daniel ng kinakabahan.

"Bakit hindi mo 'ko pinapasok kagabi?" Papalapit na siya ng papalapit.

"No."

"Why Daniel? Why?"

Pumikit si Daniel at dahan dahang napapa upo sa sahig habang dumudulas ang likod niya sa pader.

"Hmm... hmm..."

"Daniel, let's talk. Okay?"

"Hmm... hmm... hmm..."

Naka ilang hum na si Daniel, dahil ayaw niyang marinig ang mga sinasabi ni Melissa. At isa pa, hindi niya alam kung pano mag re-react. In short, hindi niya alam ang pwede niyang gawin.

Natatakot pa rin siyang harapin si Melissa, dahil hindi niya matanggap ang ginawa nito sa kanya. Ang buong akala niya kasi, ang babaeng mala anghel ang mukha at ugali, ay kabaligtaran lang pala nun. Mas lalo ding lumala ang takot niya sa kanya simula nung makapanaginip siya ng hindi maganda.

Don't Follow MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon