Nagising si Melissa nung episode 2 na.
"Sorry, nakatulog ako." Sabi ni Melissa.
Ngunit hindi sumasagot si Daniel at busy siya sa kanyang pinapanood; as if na hindi pa niya ito napanood ng ilang ulit.
"I promised my kid brother I'll fetch him back a Luger. So I got first dibs, okay?" Sabi ni Daniel.
Nagulat siya sa sinabi ni Daniel at hindi niya alam kung anong ibig sabihin nun. Matagal na niyang alam ang tungkol sa kalagayan ni Daniel, na isa siyang autistic. Ngunit, wala siyang masyadong kaalaman tungkol dito. Kaya naman ganito na lang din siya nagtataka at nagugulat sa inaasal ni Daniel. At hindi ito ang dahilan para hindi niya mahalin si Daniel. Pero hindi maiiwasan ang mabibigla siya sa mga lalabas sa bibig ni Daniel lalo na't sila na. Oo, mahal na mahal niya ito. Sa katunayan, obsess na siya sa kanya. Malamang sa malamang, ganun din si Daniel.
Tanghalian na at mukhang hindi hinahanap si Daniel ng kanyang ina para kumain. Ayos lang, kasama naman niya si Melissa na mag papakain sa kanya. May nilabas na isang papel si Melissa kung saan naka sulat lahat ng bawal kay Daniel na binigay ni Freida kanina sa kanya bago sila umalis.
"So bawal ka sa itlog, anything salty, butter, seafood, and peanuts." Sabi ni Melissa habang may binabasa siya sa isang papel. "Ano kayang pwede sayo na meron kami?" Dagdag niya habang patungo siya sa isang cabinet sa kusina.
"Pancakes, apple..." Sabi ni Daniel.
Lumingon si Melissa sa kanya at nginitian siya.
"Sabi ng nanay mo pwede ka rin daw sa plain crackers."
Umiling si Daniel.
"Boring ang lasa, diba?"
Tumango si Daniel.
"Okay, since ayaw mo ng plain crackers, in which yun lang ang meron kami. Anything else?"
"Ikaw." Biglang sabi ni Daniel.
Namula si Melissa sa sinabi ni Daniel at napa ngiti siya ng parang isang psychopath.
Lumapit siya kay Daniel at pinatong ang dalawang kamay sa balikat niya at hahalikan siya, ng biglang...
"Oh... my... god."
Nagulat silang dalawa, at nakitang naka tayo na pala si Angela malapit sa entrance ng bahay.
Agad binaba ni Melissa ang dalawang kamay niya sa balikat ni Daniel.
"Anong nangyayari dito? Bakit kasama mo... ito." Tinuro ni Angela si Daniel at naka tingin sa kanya ng parang nandidiri siya.
"Hindi ko alam na pupunta ka." Sabi ni Melissa.
"Naka ilang text at tawag ako sayo, pero hindi ka nagrereply."
"Sorry hindi ko nabasa." Sarcastic na pagkasabi ni Melissa.
"I see, kasi busy kang kasama siya."
"Oo, dahil nanonood kami. Okay?"
"Oh my god, Lisa. Hindi ako makapaniwalang nakikipag kaibigan ka sa autistic boy na 'to."
"Angela, tama na!"
"So, kinakampihan mo siya?"
"Well, guess what?" Sabi ni Melissa ng bigla siyang kumapit sa braso ni Daniel at sinabing, "kami na."
BINABASA MO ANG
Don't Follow Me
RomanceTHERE'S ONE WHO CAN SIMPLY NEVER STOP FOLLOWING YOU. Talagang may isang tao ang hindi titigil sa pagsunod sayo. Sundan mo siya sa nakakabaliw na mga pangyayari sa kanyang buhay, at alamin ang mga nakaka baliw na mga pagsubok na kinakaharap niya. Fin...