Francisco Residence
"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ni Freida kay Nancy.
"Umuwi siya ng parang litong lito. Ilang ulit rin niyang pinapalo yung ulo niya. Kaya nung umupo siya sa damuhan, sinabi ko kay Desmond na lapitan niya si Daniel bago pa lumala."
"May sinabi ba siya kung anong nangyari sa kanya?"
"Sinubukan namin siyang tanungin, pero ayaw niyang mag salita."
Hindi naka sagot si Freida, pero may kutob siyang may kakaibang nangyari.
Samantala, ka-holding hands ni Nancy ang kanyang bunso na si Karen at may tinanong siya na ikinahiya ng husto ni Nancy.
"Bakit niya pinapalo yung ulo niya?" Tanong ni Karen.
Nilakihan siya ng mata ni Nancy habang napa ngiti ng konti si Freida.
"Ginagawa niya yun sa tuwing naiistress siya. Tinutulungan niya yung sarili niyang kumalma." Sabi ni Freida kay Karen.
"Ay nako pasensiya ka na. Matanong lang talaga itong batang 'to."
"Ganun talaga." Sabi ni Freida habang naka ngiti sa mag-ina. "Salamat nga pala." Dagdag niya habang kitang kita sa kanyang mga mata ang sinseridad sa pagsabi ng salamat.
Montero Residence
Pagka uwi ni Melissa sa kanilang bahay, kasama pa rin niya si Angela sa kanila dahil meron silang sleepover. Ngunit hindi yun ang nasa isip niya ngayon, kundi ang nakita niya sa mall.
Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Hindi rin niya alam kung ano ang kanyang nararamdaman.
"Lisa, pahiramin mo 'ko nung blue mong t-shirt." Sabi ni Angela.
Tumango si Melissa at biglang nag tanong ng, "anong ginawa sayo ni Daniel?"
Nagulat si Angela sa tanong ni Melissa sa kanya.
"Ano?"
"Anong ginawa sayo ni Daniel?"
"Bakit mo tinatanong?" Seryosong tanong ni Angela at biglang nanlaki ang kanyang mga mata. "Wait, don't tell me na naaawa ka sa kanya?"
Umiling ng dahan dahan si Melissa, pero deep inside, tumatango siya.
"Just wondering kung bakit ka naiinis sa kanya?"
"Si Spencer na rin naman ang nagsabi na lumayo ako sa kanya. So..."
"So?"
"So, I did. Tsaka isa pa, alam mo naman na ang issue kay Ryan at Daniel diba?" Sabi ni Angela habang naghuhubad ng damit. "At pinsan ni Spencer si Ryan." Dagdag niya.
"Pero matagal ng inis si Spencer kay Daniel kahit dati pa silang mag kaibigan ni Ryan."
"Nakita mo na ba yung nanay niya?" Biglang sabat ni Angela.
"Ni Daniel?"
"Oo."
"O-oo. Bakit?"
"Parang pok-pok." Tawa ni Angela.
Nagulat si Melissa.
"Angie? Hindi naman siguro."
BINABASA MO ANG
Don't Follow Me
RomanceTHERE'S ONE WHO CAN SIMPLY NEVER STOP FOLLOWING YOU. Talagang may isang tao ang hindi titigil sa pagsunod sayo. Sundan mo siya sa nakakabaliw na mga pangyayari sa kanyang buhay, at alamin ang mga nakaka baliw na mga pagsubok na kinakaharap niya. Fin...