Alam mong ikaw yung tamang tao para sa isang tao na autistic kapag sinimulan ka na rin niyang mahalin ng pabalik. Kapag nirespeto mo ang kanilang space, rerespetuhin ka rin nila at mamahalin ka rin nila kagaya ng pagmamahal mo sa kanila. Pero minsan, mamahalin ka nila ng mas higit pa sa pagmamahal mo sa kanila. Hindi mo man makita at maramdam yun sa unang tingin, pero kailangan mong makinig at makiramdam upang malaman mo ang totoong nararamdaman nila para sayo.
It's been six months na hindi nagkikita sina Daniel at Angela. Basta ang huling pagkikita nila ay sa taas ng puno, nung aksidenteng nagkita sila.
It's been six months na rin na nagpapadala ng sulat si Angela kay Daniel kahit na pwede naman niya itong puntahan sa bahay nila. Ngunit nangako siya na hindi niya bibiglain si Daniel, kung ayaw naman niya ng ganun. At tama si Angela, dahil sa kanyang ginawa, hindi mainit ang dugo ni Daniel sa kanya, kahit nung hinalikan siya sa pisngi. Talagang nabigla lang siya, at hindi pa siya ready nung mga panahong yun.
Tuwing umaga, nag aabang si Daniel kung may letter na nakapatong sa mesa ng kusina, at ni minsan hindi nakalimutan at hindi tumigil si Angela sa pagbibigay ng sulat sa kanya, kaya naman expected na niya ito lagi. Naging morning routine na ni Daniel ang pagbasa ng sulat ni Angela sa kanya.
Bumaba si Daniel ng kanyang kwarto para tignan ang sulat ni Angela, ngunit nung pagdating niya sa mesa, walang nakapatong dito na sobre.
Wala ang kanyang ina, at nasa trabaho na ito. Balak kasi niyang tanungin si Freida, kasi siya ang unang nakakakita nito sa labas ng pintuan nila.
Ang totoo niyan, hindi pinapaabot ni Angela ang sulat sa isang kartero, kundi, siya mismo ang pumupunta sa bahay nila ng hindi siya nagpapakita kay Daniel. Dahil sa oras na makita siya nito, baka mag panic si Daniel, at yun ang ayaw niyang mangyari dahil baka hindi na siya nito kausapin ng habang buhay.
Walang napagtanungan si Daniel kung may sulat bang dumating sa harap ng pintuan nila o wala. Hanggang sa naisip niyang siya na lang ang sisilip nito sa harap ng bahay nila.
Sa kasamaang palad, walang sobre.
Bumalik si Daniel sa loob ng bahay nila, at umupo sa sala, nagtataka kung anong nangyari kay Angela.
Where is it? Sa isip isip ni Daniel.
Tumayo siya ulit at bumalik sa kusina. Tinignan niya yung ilalim ng lamesa, pero wala din dito. Tsinek rin niya yung mga drawer sa kusina, ngunit wala din dito. Inikot niya ang buong bahay at wala siyang nahanap na bagong sulat ni Angela para sa kanya. Nasanay siyang laging may sulat ito sa kanya, at babasahin niya ito tuwing umaga. Yun nga lang, gumising siya ng wala ang kanyang inaasahan.
Umakyat si Daniel ng kwarto niya, habang nag uumupugan ang kanyang mga ngipin dahil hindi dumating ang inasahan niya. Hindi kasi siya sanay na nababago ang kanyang routine, kaya naman ganito na lang siya magalit. Ayaw rin niya ang nababago kung anong kinagawian niya.
Inalis ni Daniel ang bed sheet niya at hinagis sa sahig. Umupo siya ng nakasubsob ang mukha niya sa kanyang kamay, hanggang sa may naisip siyang paraan.
Agad siyang tumakbo pababa, palabas ng bahay nila, at tumakbo sa malaking puno na kung saan sila huling nagkita ni Angela.
Pagdating niya doon, agad siyang umakyat.
Tatlong buwan na ang nakalipas ng makalabas si Melissa ng mental hospital. At dalawang buwan na ang nakalipas nung umalis na siya ng bansa.
BINABASA MO ANG
Don't Follow Me
RomanceTHERE'S ONE WHO CAN SIMPLY NEVER STOP FOLLOWING YOU. Talagang may isang tao ang hindi titigil sa pagsunod sayo. Sundan mo siya sa nakakabaliw na mga pangyayari sa kanyang buhay, at alamin ang mga nakaka baliw na mga pagsubok na kinakaharap niya. Fin...