Don't Follow Me - Chapter 22

536 5 0
                                    


MELISSA

I hate to see that Daniel is winning. Masyado siyang maraming alam. We didn't make it. Hindi natuloy ang date night namin dahil meron pa rin siyang lagnat. I also know kung anong ginawa niya para hindi kami matuloy. Ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita dahil hindi daw mabuti ang lagay niya sabi ni Freida. Pero nung nakaraan, nakita ko siyang lumabas at parang may pinuntahan. Sinundan ko nga.

Nakita ko siyang pumunta ng bookstore ng mag-isa, at himalang hindi niya kasama ang nanay niya. Bumili siya ng mga libro, hindi ko alam na mahilig pala siyang magbasa. Pagtapos niyang mag bayad, agad na siyang lumabas ng bookstore at dumiretso sa isang foodcourt at sabay pumwesto sa pinaka huli kung saan walang masyadong tao. Binuklat niya ang bagong libro at nagbasa habang may headphones (earmuffs) siyang suot.

Nagulat ako sa nakita ko. Biglang lumitaw si Camille at mukhang papunta na siya kay Daniel. Pero bago pa mangyari yun, agad akong lumitaw at hinila si Daniel sa braso. Tumingin siya sakin at nagulat siya.

"Let's go." Sabi ko.

"Anong ginagawa mo?" Inalis niya ang braso niya sa kamay ko at biglang umalis palayo sakin. Sinundan ko siya at nakita kami ni Camille, pero hindi ko siya pinansin.

"Daniel." Sabi ni Camille.

"Aalis na kami." Sabi ko.

"No, ikaw lang ang aalis." Sabi ni Daniel.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Daniel at tinulak ko ang upuan sa harapan niya sabay umalis na 'ko.

Nung sumunod na araw naman, sinundan ko ulit siya sa mall at nakita kong pumunta siya ng banyo. Pumasok ako dun at nasaktong walang tao kundi kaming dalawa lang. Nung tapos na siya umihi, agad na siyang lumabas ng stall at nakita niya 'kong nakatayo sa labas. Nagulat nanaman siya at agad napatakbo.

"Daniel!" Sigaw ko.

Nahabol ko siya hanggang sa nakarating kami ng fountain sa mall. Umupo siya dito saglit habang hinihingal siya. Kinalabit ko siya sa likod at napatayo siya sa gulat.

"I love you." Sabi ko. Pero wala siyang sagot at tumakbo na lang ulit.

Meron pa, nung birthday party ng kaibigan ni Freida sa trabaho. Pumasok rin ako sa bahay nila kahit hindi nila ako kilala. Pero walang nakakita sakin kundi si Daniel lang na naka upo sa isang tabi. Nabitawan niya ang hawak niyang plastic cup at napatakbo sa taas. Sinundan ko siya at nakita kong pumasok siya sa isang kwarto at sinara ang pintuan. Pero bago pa niya ma-lock ito, naitulak ko ng malakas ang pintuan at nakita siyang wala na sa kwarto at naiwang naka bukas ang bintana. Dito siya dumaan at natakasan nanaman niya 'ko.

Nung isang gabing natutulog siya, andun lang ako sa tabi niya habang pinanonood siya sa pagtulog. Naluluha ako dahil baliw na baliw ako sa kanya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at hinalikan ko siya sa labi ng natutulog. Gumalaw siya at nagising. Nakita niya 'kong naka ngiti sa kanya.

Napatayo siya ng kama sabay bukas ng ilaw at sinabing, "anong ginagawa mo dito?"

"Gusto kitang makasama."

"Pano ka nakapasok?"

"It doesn't matter. I just want to be with you."

Pagkasabi ko nun, tinignan niya 'ko na parang ang creepy ko.

"Lumabas ka."

Lumapit ako sa kanya at sinabi kong, "no, dito lang ako."

"Anong gusto mo?"

"I want you."

Lumayo siya sakin.

"Kiss me." Sabi ko.

"No!"

"Please?"

"Get out, Melissa."

Sa inis ko, umupo nga ko ng kama niya.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo binibigay ang gusto ko."

"Fine, suit yourself." Sabi niya sakin bago niya patayin ang ilaw at sabay diretso na sa kama niya para matulog. Hinayaan lang niya 'kong nakaupo sa kama. Sa inip ko, tinabihan ko siya. Pero hinarang niya ang isang malaking unan sa gitna namin.

"Don't touch me." Sabi ni Daniel sakin.

Nung mga sumunod pang araw, hindi ko talaga siya tinigilan. Dahil kahit saan siya magpunta ay andun ako, nakabuntot sa kanya. Alam kong naiirita na siya sakin, pero hindi ko talaga siya nilubayan.

Kasalanan ko bang sinusundan niya rin ako nun? Ngayon, ayaw niya na 'kong makita at makasama. Dati rati, wala siyang tigil sa pagsunod sakin. At kahit alam ko yun, hinahayaan ko lang siya dahil gusto ko rin siya, at hindi lang yun, dahil ginagawa ko rin iyon sa kanya. Kaya nung naging kami, hindi na 'ko natakot na baka malaman niya ang lahat ng tungkol sakin. Pero tanga siya. I just realized. Kasi, hanggang ngayon wala siyang clue sa sikreto ko. Pero since nag krus ang landas namin at marami na kaming pinagdaanang dalawa, ay ayos lang na makita niya 'kong sunod ng sunod sa kanya. Why? Para malaman niya ang feeling ng hindi safe kahit saan ka pumunta. Nung una ko kasing nalaman na inii-stalk niya 'ko, ay hindi ako natuwa dun. Pero tagal tagal nun, nagustuhan ko na rin. Baliw na kung baliw, but it is what it is.

I love him very much.

Hindi ko talaga siya kayang makitang may kasamang iba. At kung sakaling mangyari nanaman yun, gigitna talaga ako kahit anong mangyari.

Samantala, yun namang nanay niya, ay napaka clueless din. Isa ring tanga just like her son. Nung una kong na-meet si Freida ng personal, akala ko magkakasundo kami. Akala ko rin ay magugustuhan ko siya. Pero ngayon? Hindi na. Matagal na. Konsintihin ba naman ang anak sa ibang babae habang may girlfriend siya na katapat lang ng bahay nila. Kaya ayan tuloy, nadadamay siya kahit na wala siyang alam sa nangyayari samin ni Daniel. Alam ko rin naman na hindi magsasalita si Daniel sa nanay niya, o kahit kanino. He's weak, and I know all of his weakness.

Anyway, just in case something happens, nasa tabi ko lang naman ang baseball bat ko, and ready to smash in any day, hour, minute, or even seconds.

-------------------------------------------

Thanks for reading this chapter. You can now proceed to the next one. :)

Don't Follow MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon