Daniel is late! Malapit ng mag gabi at wala pa siya. I'm also worried about Sgt. Phoenix, dahil hindi pa siya kumakain. I wonder where they were. Ilang beses na 'kong tumawag sa kanya, pero hindi niya sinasagot. Nag-aalala na 'ko ng husto sa batang yun. I knew something like this is going to happen. Sabi na nga ba't hindi siya maaaring lumabas ng hindi ako kasama. Oh Daniel!
5:30 p.m. Konti na lang at lulubog na ang araw. Nasa taas pa rin ng puno sina Daniel at Angela. Napasarap ang kwentuhan nila kahit na nahalata ni Angela na malimit lang nagsasalita si Daniel. Pero, ngayon lang siya nagkaroon ng kausap na halos umabot na ng gabi.
"I should go now." Sabi ni Daniel.
"Wait. Hintayin natin yung sunset, malapit na yun. It's what you came here for, right?"
But I don't have my sunglasses with me. Sa isip isip ni Daniel.
Maya maya pa, ayan na yung araw. Namangha si Daniel, kaya naman halos hindi na siya kumurap sa kanyang nakita, habang medyo nasisilaw siya. Ngayon lang niya nasaksihan ang ganitong bagay, kaya naman parang bumilis ang daloy ng dugo niya at ang tibok ng puso niya. Sa kabilang banda, habang nakatingin lang si Daniel ng seryoso sa paglubog ng araw, hindi niya napapansin na nakatingin lang sa kanya si Angela ng may maliit na ngiti sa kanyang mukha. Ilang saglit pa, lumubog na ng tuluyan ang araw. Ng biglang nagulat si Daniel, dahil hinalikan siya sa pisngi ni Angela. Tumingin siya dito at hindi nakapagsalita.
"I'm sorry, I got carried away." Sabi ni Angela. Ngunit nung napansin niyang hindi makapaniwala si Daniel, sinabi niyang, "I like you, Daniel."
Sa kasamaang palad, hindi nagustuhan ni Daniel yun, kaya nagmadali siya sa pagbaba ng puno.
"Daniel, wait!" At sa kanilang pagbaba, hindi siya nilingon ni Daniel kahit nakailang tawag na siya sa kanya. Kaya hinila niya si Daniel sa isang braso, at nung nagulat ito, agad niyang inalis ang kanyang kamay. "I'm sorry."
"Leave me alone." Sabi ni Daniel.
"What's the problem?"
"Hindi kita gusto."
Nalungkot si Angela, at sinabing, "you can't stop me." Sa kanyang sinabi, napa iling si Daniel at tinalikuran siya ulit. "Let's go sarge." Sabi ni Daniel sa alaga niyang aso, at tuluyan ng iniwan si Angela.
Pagdating ni Daniel sa kanilang bahay, napatakbo si Freida sa kanya.
"San ka nanggaling? Bat ang tagal mo sa labas? Sabi na nga ba't hindi ka pwedeng lumabas ng hindi ako kasama. Hindi mo rin sinasagot yung tawag ko."
"I'm not in the mood, ma." Sabi ni Daniel habang naglalakad ng diretso papuntang hagdan. Ni hindi rin siya tumingin sa nanay niya.
Napa buntong hininga na lang si Freida, at napansin na mukhang wala namang nanakit kay Daniel, kaya hinayaan na lang niya ito. Samantala, nung pag akyat ni Daniel, hindi sumunod sa kanya si Sgt. Phoenix. Nakita ito ni Freida, at tinanong ang aso as if na sasagutin siya nito.
"Kumain ka na ba sarge?"
Umupo lang yung aso ng nakatingin sa kanya na parang nagpapaawa.
"Come with me." Sabi ni Freida.
Sinundan siya nung aso sa kusina at pinakain ito.
Sa kwarto ni Daniel, tumalon siya sa kanyang kama at nilubog ang mukha sa kanyang unan habang nakasuot pa ang kanyang salamin.
Hindi maalis sa isipan niya si Angela, pero pilit niya itong inaalis. Napa kapit siya sa kanyang kumot na parang isang sanggol na bagong panganak. At hindi niya namalayan, siya ay nakatulog na.
BINABASA MO ANG
Don't Follow Me
RomansaTHERE'S ONE WHO CAN SIMPLY NEVER STOP FOLLOWING YOU. Talagang may isang tao ang hindi titigil sa pagsunod sayo. Sundan mo siya sa nakakabaliw na mga pangyayari sa kanyang buhay, at alamin ang mga nakaka baliw na mga pagsubok na kinakaharap niya. Fin...