Don't Follow Me - Chapter 18

662 3 0
                                    

I don't like stupid girls, but when I do... I like them raw like a fresh meat. I know one when I see one, and she use to be that girl I always wanted, but she's becoming like one of those creatures in my nightmare. What do you call that? A monster, an evil wicked witch.

9:15 p.m.

Gabi na ulit. Ito rin ang oras kung saan matutulog na si Daniel. Mabago lang ng konti ang oras ng pag-tulog niya ay parang hindi na siya makaka tulog ng buong gabi hanggang umaga. Alam na rin ni Freida ang oras ng tulog ni Daniel, kaya naman lagi siyang may suot na relo para hindi niya makalimutang paalalahanan siya.

Pag silip ni Freida sa kwarto ni Daniel, ay tulog na siya. At mukhang mahimbing ang tulog niya kaya napapangiti siya habang may bumabagabag sa kanya. Gusto niyang malaman kung sino ang may gawa nito kay Daniel bago siya gumawa ng moves. Dahil sa isip isip ni Freida, pano na kung hindi naman sina Spencer yun this time. Gulong gulo na ang isip ni Freida kaya mas lalo siyang nalulungkot at nagagalit sa nangyayari kay Daniel. Gusto niyang ilayo ang anak niya sa mga taong walang magandang intensyon sa iba.

Samantala, nung bago umuwi si Melissa kanina, tinanong niya ito kung anong nangyari, ang sinabi lang ni Melissa ay ayaw mag salita ni Daniel. Which is totoo, pero hindi niya sinabing siya ang dahilan nun. At bago pa siya makauwi ng tuluyan, nagkwentuhan muna sila, at naging komportable si Freida sa kanya agad. Naikwento rin ni Melissa ang buong buhay niya. Sinabi niya kay Freida na sinasaktan siya ng kanyang ina bata pa lang siya. Habang yung tatay niya ay pinagsasamantalahan siya. Pero, isa lang ang totoo dito.

Matapos malaman ni Freida ang mga yun, nakaramdam siya ng matinding awa kay Melissa. Dahil nag paawa at nag pa-charm siya ng husto kay Freida, dahil gusto niyang mahulog ang loob sa kanya nito para mabilog niya ang clueless na ina ni Daniel.

Sa kasalukuyan, ang himbing na ng tulog ni Daniel, mukhang nananaginip na siya.

Naka sakay daw siya sa kabayo pero kotse ang sinasakyan niya, habang hindi niya alam kung saan sila pupunta ng mga taong nasa likod niya at hindi niya ito kilala. Basta nag tatawanan lang silang lahat habang kumakanta. Siya ang driver at kahit kailan hindi siya natutong mag drive at hindi rin naman siya pwede. Panay raw ang tingin niya sa likod dahil may humahabol daw sa kanila habang masasaya ang mga mukha ng mga kasama niya. Nagtataka siya kung bakit parang siya lang ang nag-aalala kaya nag preno siya ng malakas at nalaglag sila sa bangin. Pumikit siya habang ramdam niyang bumabaliktad ang sasakyan na dinadrive niya. At sa kanyang pagdilat, nakita niyang lumulubog na siya sa putik, at kahit anong sigaw niya ay walang nakakarinig sa kanya. Mukhang wala ng tao at siya lang ang nag-iisa, kaya mas lalo pa siyang natakot. Inabot niya ang putol na sanga ng puno at kumapit dito, ngunit naka bitiw din siya. Nasa balikat na niya ang putik at gusto niyang makita ang kanyang ina bago pa mahuli ang lahat. Nung maisip niya ang kanyang ina, nakita niya ito sa gilid niya at nakatali daw ito sa isang puno at sa likod niya ay may taong nakatayo. Si Melissa. Ilang beses niyang tinatawag ang kanyang ina, ngunit hindi siya naririnig nito hanggang sa nakita niyang may hawak si Melissa na pamukpok at biglang hinampas sa ulo ni Freida. Kaya naman pinipilit niya ang makaalis sa putik, pero hindi talaga siya makagalaw. Ilang ulit din niyang tinatawag ang kanyang ina ngunit hindi siya naririnig. Hanggang sa nakita niyang wala ng buhay ito, as in namatay siya sa panaginip. Sa kabila nun, tumingin si Melissa sa kanya at nginitian siya at siya na ang isusunod. Nung tatakbo na si Melissa sa kanya habang may pamukpok, bigla na siyang nagising ng may maliit na luha sa gilid ng mga mata niya. Napa upo siya habang napansin niyang pinagpapawisan na rin siya sa likod, sa mukha, at sa dibdib. Binuksan niya ang kanyang lamp shade at tinignan ang kanyang relo, 11:12 p.m.

Tumayo siya at dahan dahang lumabas ng kwarto niya para silipin ang kanyang ina na natutulog na ng mahimbing. Nakita ni Daniel na gumalaw ang kanyang ina at tumagilid sa kaliwa kaya hindi na niya nakita ang mukha nito dahil naka talikod na siya sa pintuan. Lumuwag na ang pakiramdam niya dahil hindi totoo ang kanyang napanaginipan. Pero kahit pa na may Asperger's si Daniel, ay hindi siya tanga. Alam niya ang kanyang ginagawa, kaya naman para makasiguro, tsinek niya lahat ng mga pintuan at bintana nila, dahil natatakot siya na baka kung anong gawin ni Melissa kung sakaling may mensahe yung panaginip niya, at dahil nag-aalala din siya na baka makapasok ulit si Melissa ng bahay nila. Nakalimutan din niyang tanungin si Melissa kung pano siya nakapasok, pero alam niyang nakalimutan ng nanay niyang i-lock ang front door nila dahil madalas itong nangyayari. Agad siyang tumakbo sa main entrance para tignan kung naka lock ang pintuan. Himalang hindi ito nakalimutan ni Freida this time, pero may isa siyang hindi naisara, yung chain, kaya si Daniel na ang nag lagay nito.

Don't Follow MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon