Don't Follow Me - Chapter 27

530 4 0
                                    

Nagising si Freida sa sofa niya ng masakit ang ulo. Hindi siya makabangon lalo na't alam niyang wala naman siyang pagsisilbihan na anak niya. Nung oras na pumasok sa isip niya si Daniel, agad siyang napatayo at naisip na kailangan niyang makita ang kanyang anak. Kaya agad siyang umakyat papuntang banyo para mag ayos. Pagtapos nun, pumunta na siya sa kwarto niya para kunin ang kanyang bag na nakapatong sa desk niya.

Tumakbo siya pababa diretso ng pintuan, at sa pagbukas niya, nagulat siyang bigla sa nakita niya.

"Ma."

"Daniel?"

Tumakbo si Daniel sa nanay niya at niyakap siya ng mahigpit.

"Oh my, Daniel."

"I'm sorry ma."

Lumapit ang isang pulis sa kanila, at sinabing, "we apologize sa nangyari Mrs. Francisco."

"Anong nangyari?" Tanong ni Freida habang nakayakap pa rin siya kay Daniel.

"He's not guilty Mrs. Francisco."

"Pano?"

"Melissa Montero manipulated the evidence."

"Pano niyo nalaman?"

Tumingin yung isang pulis sa kapwa niya pulis, at sinabing, "hindi ho siya naligo ng huling may nangyari sa kanila, para lumabas na mukhang ginahasa siya."

"Para maging visible din ang semen ng anak niyo." Dagdag nung isang pulis.

Napa pikit si Freida at tinakpan ang tenga ni Daniel, dahil baka ma-acquire niya.

Sa kabilang banda, umiiling yung isang pulis na nasa likod ng isang pulis at sinabing, "mag-ingat na lang tayo sa kanya, masyado siyang magaling magpa-ikot. Wag ho kayong mag-alala Mrs. Francisco, she's on her way sa mental hospital."

"Mental hospital?"

"Dati na siyang napasok sa mental, bata pa lang siya. Binulag niya ang isang mata ng kapatid niya. Then, she made false accusation against her father. Walang katotohanan na pinagsamantalahan siya."

Umiling din yung isang pulis at sinabing, "isa siyang psychopath Mrs. Francisco. No wonder why Daniel is sincere na wala siyang ginawang mali."

"Pasensiya ho sa nangyari Mrs. Francisco. Hindi namin inalam ang background ni Melissa Montero."

Tumango si Freida ng isang beses.

"Siya nga po pala, bigla bigla hong nag E-English ang anak niyo ng kung anu ano."

Tumingin ng diretso si Freida sa pulis na parang gustong makipag flirt sa kanya. "He's autistic, naii-stress siya o may gusto siyang sabihin pag ganun." Sabi ni Freida.

Medyo nagulat yung pulis. "Oh, tinalo niya 'ko sa chess. He's good."

After nun, umalis na ang mga pulis, habang sa kabilang bahay naman, nakita niyang nakatayo ang ama ni Melissa na nakatingin sa kanila. Ngumiti ito kay Freida, sabay pasok ng bahay.

Samantala, hindi ma-imagine ni Freida kung pano niya nakalaban si Daniel sa chess. Ang ibig sabihin kasi nun, nakuha nila ang loob ni Daniel lalo na sa panahong parang helpless siya.

Hinawakan ni Freida ang dalawang pisngi ni Daniel at tinignan siya.

"Did you sleep well?"

Tumango si Daniel.

"San ka nila pinatulog? Sa sahig? Kinagat ka ba ng lamok? Mabaho ba dun? Ano?"

"Hindi ako nakatulog."

Niyakap siya ni Freida.

" 'Cause it's not 9:15." Dagdag ni Daniel.

Napangiti si Freida at hinalikan si Daniel sa buhok niya.

"Pinakain ka ba nila?"

"They tried. Pero ayaw ko ng pagkain."

"I'm so sorry anak."

"One night without you feels like hell, ma."

Naiyak si Freida habang napapangiti siya sa tuwa dahil bumalik na ang kanyang anak. Na-touch din si Freida sa sinabi ni Daniel sa kanya, kaya mas lalo pang humigpit ang yakap niya dito.

"Ma, worms." Biglang sabi ni Daniel.

Biglang bumitaw sa pagkakayakap ang kanyang ina.

"I'm sorry. Na-miss lang talaga kita ng sobra." Sabi ni Freida habang nagpupunas ng luha.

Sinabi ni Daniel na worms dahil pag may nakahawak sa kanya ng sobrang tagal, ay parang may mga uod na gumagapang sa balat niya.

Kahit na nakapasok na sila sa kanilang bahay, si Freida ay hindi kayang pigilan ang sarili sa pag yakap sa kanyang anak kahit na naiirita na si Daniel. Sa bagay, kahit sinong ina naman na kagaya ni Freida ay malamang hindi mo masisisi.

"Shower." Biglang sabi ni Daniel.

"Shower?"

Tumango si Daniel ng isang beses.

Nung nag tungo na sila sa banyo, tumingin sa kanya si Daniel na parang pwede na siyang iwan ng mag-isa. Kaya umatras si Freida palabas ng banyo.

"If you need anything, tawagin mo lang ako." Sabi ni Freida.

Pagkasara ni Daniel ng pintuan, naiwan si Freida sa labas ng nagbubuntong hininga.

Walang pagbabago. Sa isip isip ni Freida. Pero kahit pa na ganun, ayos na sa kanya na muling nagbalik ang kanyang anak na akala niya'y forever ng magdurusa sa kulungan, dahil sa isang krimen na hindi naman niya ginawa.

Sa tuwing pumapasok sa isip niya si Melissa, parang bumabaligtad yung sikmura niya. Tumatayo rin ang balahibo niya, knowing na pinatuloy niya ang ganung uri ng tao sa pamamahay niya. Yung anak na pinoprotektahan niya ay napasama pa lalo dahil sa babaeng hindi niya kinilala ng husto.

Umupo si Freida sa isang upuan, kung saan ito ay nakalagay sa isang sulok na halos inaalikabok na dahil never silang umupo dito. Ngayon lang siya umupo sa upuan na 'to, dahil ito lang ang gamit na iniwan sa kanya ni Carl bago sila iwang mag-ina. At hindi lang yun, ito lang ang tanging gamit na nagbabalik sa kanya sa mapait na nakaraan. Dito kasi madalas umuupo si Carl habang may hawak na isang bote ng alak, lalo na nung mga panahong nagloloko na ito. Dito rin sa upuan na 'to nabuo si Daniel, kaya naman ganun na lang niya kinalimutan ng ilang taon ang upuan ni Carl, dahil nababalot ito ng mga kababalaghan. At hindi na niya hinangad pang balikan ang mga ala-alalang yun.

Habang naka upo siya, dun niya natanaw ng maige ang loob ng bahay nila. Nagbabalak na kasi siyang lumipat dati pa matapos ng mga pangit na ala-alang nangyari sa kanila; simula nung ibahay siya ni Carl sa bahay na 'to, hanggang sa lumabas si Daniel sa mundo at nung iwan silang dalawa.

Gusto ni Freida ang bigyan ng bagong simula ang kanilang buhay, kaya naman nag-iisip na siya kung saan pwedeng lumipat. Gusto na rin niya na makalayo sila sa mga taong nanakit sa kanila, lalo na sa mga nanakit kay Daniel.

So far, wala pa siyang ibang balita tungkol kay Melissa.

---------------------------------------------------

Thanks for reading this chapter. You can now proceed to the next one. :) 

Don't Follow MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon