Don't Follow Me - Chapter 33

524 2 0
                                    

I am such a fool to keep on chasing after nothing great.

You were such a fool to keep pretending that you love me.

I don't know where I'm supposed to go.

- cavetown, Fool

Friday

Ito na ang araw na hinihintay ni Daniel. Hindi naman ganun kalayo lilipatan nila, siguro mga isang oras lang ang biyahe. At kahit ganun pa man, at least, kahit papano, mawawala na sila sa dati nilang bahay na punong puno ng mga masasamang ala-ala.

Sumagi rin sa isipan niya ang nangyari nung isang araw, at na-realize niya na bukas na pala dapat yung ipapakita niyang malaking puno kay Camille.

Forget about it and forget about her. Sa isip isip ni Daniel.

May dalawang malaking moving truck ang nasa tapat ng bahay nila, kung saan dito ilalagay ang mga malalaking gamit nila. While yung sasakyan ni Freida ay ida-drive niya na puno ng mga gamit nila ni Daniel.

Nasa loob na ng kotse si Daniel sa harapan, nakabukas ang aircon. At yung nanay niya ay nasa labas pa, kausap ang isang lalaki na may ari nung moving truck.

Samantala, nakatingin lang si Daniel sa mga lalaking pumapasok sa bahay nila para buhatin ang mga gamit nila papunta sa truck.

Ng biglang...

*ding!

Tumunog ang cellphone niya.

Nung nakita niya ito, nabasa niya ang isang text galing kay Camille.

"I'm sorry."

Nung pagkabasa niya nito, tinago niya ang kanyang cellphone sa kanyang backpack na maliit na nasa paanan niya, sabay sinaksak ang kanyang iPod para makinig ng mga paborito niyang tugtog na hindi masakit sa ulo. At ang pinaka paborito niya sa lahat, ay ang, Fool by cavetown.

Nung nag play na ito, sinandal niya ang kanyang ulo at napa pikit.

After almost an hour, dumating na si Freida sa kotse at narinig na tumutugtog ang kotse niya sa loob, at napansing nakatulog si Daniel habang may suot na jacket.

Napangiti si Freida habang pasakay na siya ng kotse. Nung sinimulan na niyang paandarin yung sasakyan, saktong nagising si Daniel at napatingin sa nanay niya.

"Where are we?"

"We're still here, unfortunately."

Lumingon si Daniel sa backseat, at sabay pumikit ng madiin.

Habang unti unti ng umaandar yung kotse, biglang may hinalungkat si Freida sa bag niya gamit ang isang kamay.

Pagkakuha niya ng kinakapa niya, agad na niyang inabot kay Daniel.

"Pinabibigay nga pala ni Camille para sayo."

Tinitigan lang ni Daniel ang hawak ni Freida na isang envelope.

Nung napuna ni Freida ito, napadalawang tingin siya kay Daniel.

"Daniel, it's from Camille. Pag hindi mo tinanggap 'to, I'll force you to tell me what happened between you and her."

Walang sagot.

Tinago na lang ni Freida ang envelope at nag drive na lang. Pero since hindi tinanggap ni Daniel ang envelope na yun, kinausap niya si Daniel tungkol sa nangyari.

Don't Follow MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon