Binigay ni Freida ang bagong salamin ni Daniel na naka reserba. Naghihintay siya kung kailan ito magagamit ni Daniel, at ito na, dumating na ang hinihintay niya. Nag aalala kasi siya na baka nabago na ang grado ng mata ni Daniel, pero sa nakikita niya, parang hindi pa naman dahil walang reklamo si Daniel tungkol dito.
Sa bagay, hindi rin naman siya magsasalita kahit na may problema sa bagong salamin niya.
Nasa kusina sila ngayon habang pinaghahandaan niya si Daniel ng almusal, ngunit parang wala siyang ganang kumain.
Nilatag niya ang sketchbook niya sa mesa at nag drawing sabay nag kulay. Yun nga lang, hindi sang ayon si Freida dito.
"Daniel, mamaya na yan."
Pero hindi humihinto si Daniel sa pagkukulay.
"My brother and I help my mom in the boarding house, 'and your father?' he was killed ah... he was killed when I was ten, sir... automobile accident." Sabi ni Daniel habang dinuduyan nanaman niya ang kanyang sarili.
Hindi ma-imagine ni Freida na kung pano napag sasabay ni Daniel ang magkulay habang nag iiscripting at dinuduyan ang sarili. Narinig ni Freida ang kanyang sinabi at halatang may alala sa mukha niya. Pakiramdam kasi niya, may gustong sabihin si Daniel pero hindi niya masabi, kaya nanghihiram na lang siya ng mga linya sa paborito niyang palabas.
Samantala, hindi alam ni Freida kung anong episode ito, kaya umupo siya sa tapat ni Daniel at nag tanong ng, "episode?"
Hindi sumagot si Daniel habang lilingon lingon siya sa kaliwa't kanan niya.
"Daniel." Alalang tawag ni Freida. "May gusto ka bang sabihin anak?"
Umiling si Daniel.
"Mag salita ka, makikinig ako."
Walang sagot.
Nag buntong hininga si Freida at sinabing, "mukhang kailangan kong tanuning si Melissa at Camille." Sabay higop ng kape.
Pagkasabi niya nun, biglang binato ni Daniel ang platong nasa harapan niya, at nabasag ito. Nagulat at napa tayo si Freida. "Daniel!"
Walang sagot.
Habang naka tingin si Freida kay Daniel, merong biglang pumasok sa isip niya. Umupo siya ulit at tinanong si Daniel kung nag away ba sila ni Melissa dahil kay Camille ulit... ngunit wala siyang sagot.
"I need to talk to them both. Okay?"
Walang sagot.
"Daniel, please say something. Mag salita ka."
Walang sagot.
"That's it, I'll talk to them." Pagkasabi ni Freida nun, biglang tumayo si Daniel at tumakbo papuntang kwarto niya.
Walang nagawa si Freida kundi ang hilutin ang ulo niya.
Montero Residence
Alalang alala si Melissa sa nangyari kagabi dahil sa ginawa niya kay Daniel. At sa sobrang alala niya, halos matatanggal na ang kuko niya kakakagat dito. Naka upo siya sa kama niya habang hindi mapakali dahil hindi sinasagot ni Daniel mga tawag niya, at hindi rin niya alam kung sinabi ba ni Daniel at totoo kay Freida.
Samantala, gusto niya ring malaman kung ano ng lagay ni Daniel ngayon, kung kamusta na ang likod niya, at kung nagsumbong ba siya sa nanay niya, at kung nag sumbong nga siya, sino ang sinumbong niya, siya ba o si Camille.
BINABASA MO ANG
Don't Follow Me
RomansaTHERE'S ONE WHO CAN SIMPLY NEVER STOP FOLLOWING YOU. Talagang may isang tao ang hindi titigil sa pagsunod sayo. Sundan mo siya sa nakakabaliw na mga pangyayari sa kanyang buhay, at alamin ang mga nakaka baliw na mga pagsubok na kinakaharap niya. Fin...