Matapos ng mga kaganapan ng madaling araw, inabutan na ng umaga si Melissa sa bahay nina Daniel habang nag iisip sila kung pano siya makakalabas ng walang nakaka kita sa kanila. Sa kasamaang palad, sa kanilang pagbaba ay nakita sila ni Freida habang nag dadahan-dahan silang dalawa.
"Ehem." Sabi ni Freida habang may isang tasa ng kape siyang hawak.
Napalingon ang dalawa sa kanya.
"Good morning." Bati ni Freida.
"Good morning po." Bati rin ni Melissa ng naka ngiti habang nakikita ni Freida na confident siya.
Ngumiti si Freida ng pabalik kay Melissa.
Good, parang walang nangyari kaninang madaling araw.
Samantala, ramdam ni Freida na medyo nakikiramdam si Daniel sa kanya, at binigyan niya ito ng isang malaking ngiti habang hind ito maka tingin sa kanya ng diretso.
"Uuwi ka na?" Tanong ni Freida kay Melissa.
"Opo."
"Why don't you join us for breakfast?"
Tinaas ni Melissa ang dalawang balikat niya at ngumiti.
Pagdating sa kusina, tinulungan ni Melissa si Freida sa pag latag ng mga plato habang naka upo na si Daniel at naka tingin lang sa kanila.
Pag upo ni Freida, pasimple siyang ngumiti sa gilid ng mata ni Daniel, ngunit hindi niya ito napansin.
"So, Melissa." Biglang sabi ni Freida.
Tumingin sa kanya si Melissa habang ngumunguya.
"Matagal ko ng hindi nakikita ang parents mo."
Umayos ng upo si Melissa at sinabing, "kakahiwalay lang nila."
Nagulat si Freida.
"I-I'm sorry. Hindi ko alam. Pero since when?"
"About 2 days ago."
Hindi na sumagot si Freida at iniba na lang ang usapan. Tumingin siya kay Daniel at nginitian ito ng hindi naman naka tingin sa kanya.
Totoong kakahiwalay lang ng mga magulang ni Melissa. Nagsimula ang away ng mga magulang niya nung nalaman ng tatay niyang nanlalalaki ang kanyang ina. Pero nung mga sumunod na araw, ay mas naging malamig na sila sa isa't isa, hanggang sa nakahanap na rin ng bago ang ama ni Melissa, na umabot sa punto na late na siya umuuwi sa kanila. Kasabay nun ay ang pag-inom ng alak.
"Daniel, by the way... may pinapaabot nga pala si Camille sayo."
Nanlaki ang mga mata ni Melissa sa narinig niya habang nanggigil siya sa hawak niyang tinidor. Ngunit hindi niya ito pinahalata.
Tumingin siya kay Daniel para makita kung gaano siya ka-interesado.
"A-anong sabi niya?" Tanong ni Daniel.
"Inabot lang niya yung DVD set na hiniram niya sayo."
Tumingin si Melissa ng seryoso kay Daniel, habang hindi ito tumitingin sa kanya.
"That's nice of you na marunong kang magpahiram." Dagdag ni Freida habang hindi niya namamalayan na ang sama na rin ng tingin sa kanya ni Melissa.
BINABASA MO ANG
Don't Follow Me
RomanceTHERE'S ONE WHO CAN SIMPLY NEVER STOP FOLLOWING YOU. Talagang may isang tao ang hindi titigil sa pagsunod sayo. Sundan mo siya sa nakakabaliw na mga pangyayari sa kanyang buhay, at alamin ang mga nakaka baliw na mga pagsubok na kinakaharap niya. Fin...