St. Claire's Mental Hospital
"I'm so sorry to say na hindi ka pa makakalabas, Melissa." Sabi ng doktor niya.
"But why? I've been good."
"Melissa, can you tell me the motives of why did you do that to Armie?"
"What?"
"Bakit mo siya sinaksak ng ballpen?"
"Dahil siya ang una kong nakita."
Tumango ng isang beses yung doktor.
"Sinaksak mo siya dahil siya ang una mong nakita?"
"Yes."
"Why?"
" 'Cause I'm mad as hell."
"Bakit ka galit?"
Yumuko si Melissa at umiyak.
"Tell me what you're feeling right now."
Inangat niya ang kanyang ulo at pumikit ng may mga luha.
"I love him. I want to be with him."
Francisco Residence (New House)
"Daniel, what do you want for dinner?" Tanong ni Freida habang nakatungtong siya sa isang upuan, dahil may mga nilalagay siya sa cabinet ng kusina.
Tinaas ni Daniel ang dalawang balikat niya.
"Chicken?"
Tinaas ulit ni Daniel ang dalawang balikat niya.
Bumaba si Freida sa upuan at lumapit kay Daniel. "Nakapag decide ka na ba kung anong ipapangalan mo sa kanya?" Tinuro ni Freida yung aso.
"Sgt. Phoenix."
"Okay." Bulong ni Freida.
"Anyway, I don't think na kaya kong magluto tonight. Kumain na lang tayo sa labas."
Robbie's Restaurant
Pagdating nila sa restaurant na kakainan nilang mag-ina, napuna ni Freida na medyo maraming tao.
Humanap siya ng upuan na kung saan walang masyadong tao ang naka paligid.
Pagkaupo nila, agad ng may lumapit na waiter.
Sa kabilang banda, may isang tao ang nakatingin kay Freida. Ang liit nga naman ng mundo. Dahil hindi namamalayan ni Freida na andun din si Carl. Nagtataka si Carl kung pano siya napadpad sa isang restaurant na malayo sa kaniyang tinitirhan. Hindi kasi niya alam na lumipat na sila, at malamang wala na siyang babalikan sa dating bahay na iniwan niya sa mag-ina.
Nung una, ang nakita lang ni Carl ay si Freida, ngunit may nakita siyang isang lalaki na nakatalikod at may suot na earmuffs.
Nagtaka si Carl kung sino iyon, pero hindi niya naisip na si Daniel ito, kundi isang ka-date.
Nagmanman pa ng konti si Carl, at nakita niyang nag side view yung lalaki, at napansin na mukhang bata pa ito. At yung earmuffs niya ay may nakasulat na HearTek.
HearTek? Sa isip isip ni Carl. Hanggang sa nagkaron siya ng idea kung sino ito. Umilaw ang mga mata niya, at na-realize na si Daniel iyon. Ang anak niya kay Freida.
Medyo tumaas yung mga tuhod niya para lapitan sila, pero hindi pa rin maalis sa isipan niya ang sinabi ni Freida sa kanya, na kahit kailan ay hindi siya hinanap ni Daniel. Kaya eto siya ngayon, hanggang tingin na lang. Hindi niya alam kung pano ito lalapitan. At kung sakaling magkikita na silang mag-ama, hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Ayaw naman niya ng, "hi!" or "hello!", dahil may iba pa siyang gustong sabihin na mas ayos dun.
Kitang kita rin ni Carl na ngumingiti si Freida habang nakikipag usap sa anak niya. Gusto niyang malaman what's going on between them. Gusto rin niya maging part ng pamilyang iniwan niya kahit sa isang gabi man lang. Sa mga ngiti ni Freida na nakikita ni Carl, sapat na yun. At sapat na rin sa kanya na pinalaki ni Freida ng maayos si Daniel, at ang fact na malaki na siya, malusog at buhay na buhay.
Sa isip isip ni Carl, kung lalapitan pa niya ang mag-ina, ayaw na niyang mabago at masira pa ang gabing ito para sa kanila. Sinisisi rin niya ang kanyang sarili kung bakit hindi siya makalapit sa kanila ngayon. Nung nakaraan, gustong gusto niyang makita at makausap si Daniel. Pero ngayong nasa harapan na niya ito, ay biglang nanghina ang kanyang loob. Kaya mas minabuti na lang niya ang hayaan ito, at itatak sa isipan niya habang buhay ang itsura ni Daniel, ang panganay niyang anak na lalaki.
Pag-uwi ng mag ina sa kanilang bagong bahay, agad sumalubong si Sgt. Phoenix sa kanila, sabay talon kay Daniel.
"Daniel, maligo ka ulit before bedtime." Bilin ni Freida. "Oh, by the way, pakainin mo muna siya bago ka maligo."
"Can I sleep with him?"
"Just as long na hindi siya matutulog sa kama mo."
"Saan siya matutulog?"
"Sa labas."
"No!"
"Daniel--"
"Pano pag umulan? Pano kung may magnakaw sa kanya? Pano kung makawala siya?"
Nagbuntong hininga si Freida at nagpamewang.
"Alright alright. Fine."
Pagtapos nun, ngumiti si Daniel sabay takbo papuntang kusina kasunod ni Sgt. Phoenix.
"Daniel! Don't run!" Sigaw ni Freida.
Pagdating ni Daniel sa kusina, agad sinalinan ni Daniel ang kainan ni Sgt. Phoenix ng dog food.
"Here you go." Bulong ni Daniel.
Sa kabilang banda, sumilip si Freida sa kusina, at nakitang nakaupo si Daniel sa sahig, nagsasalin ng dog food. Napangiti siyang muli.
-------------------------------------
Thanks for reading this chapter. You can now proceed to the next one. :)
BINABASA MO ANG
Don't Follow Me
RomanceTHERE'S ONE WHO CAN SIMPLY NEVER STOP FOLLOWING YOU. Talagang may isang tao ang hindi titigil sa pagsunod sayo. Sundan mo siya sa nakakabaliw na mga pangyayari sa kanyang buhay, at alamin ang mga nakaka baliw na mga pagsubok na kinakaharap niya. Fin...