Oras na ng tulugan para kay Daniel.
Ito na ang pangalawang gabi na hindi siya pumupunta sa bahay nina Melissa, at wala na din naman na siyang balak since alam niyang sila na. At isa pa, natatakot siya dahil galit si Melissa sa kanya.
Humiga siya ng suot pa niya ang kanyang salamin dahil meron siyang binabasa sa cellphone. Isang text galing kay Melissa.
"Good night."
Hindi nag reply si Daniel at natulog siyang hindi nirereplyan si Melissa.
Sa kabilang banda naman, hindi niya alam kung gaano na nag-aalala si Melissa dahil hindi siya nag rereply at hindi siya makatulog dahil dito. Ilang ulit siyang nagpa ikot ikot sa kama niya habang bigla siyang mapapatingin sa bintana niya kung saan nakikita niya ang bintana ni Daniel. Wala ng ilaw at mukhang tulog na siya.
Bumangon si Melissa at pumunta sa bintana niya para tignan kung may nagaganap na bang hindi maganda doon. Ang iniisip kasi niya ay baka kasama lang niya si Camille sa kwarto niya at may ginagawa sila. Talagang parang mababaliw na si Melissa kakaisip ng kung ano ano. May point pa ba lalo na ngayong sila na?
Wala na. Wala ng point at ganun nga ang tingin ni Daniel, dahil bigla siyang naka tulog ng mahimbing matapos ng mga nangyari sa kanila ni Melissa.
Ano bang tingin ni Daniel sa kanya?
Nag dali dali si Melissa sa pag baba ng kanyang kwarto at dumiretso palabas ng bahay nila para mag tungo sa bahay ni Daniel.
Nung siya ang makarating na sa harapan ng bahay nila, isang himala na mukhang nakalimutan itong i-lock. Nag dahan dahan siya sa pag pasok at pati sa paglakad sa hagdan. Tahimik na ang lahat, at kahit na may koneksyon na siya sa nakatira dito, ay malamang magugulat pa rin sila pag nakita siyang pumapasok sa loob ng walang permisyo.
Nung makarating na siya sa tapat ng kwarto ni Daniel ay nakikiramdam siya sa kabilang kwarto dahil naka bukas ang pintuan ni Freida.
Maya maya pa, dahan dahan na niyang inikot ang doorknob ng pintuan ng kwarto ni Daniel at dahan dahang sumilip para tignan kung nasaan na siya. Pagkapasok niya sa kwarto ni Daniel, walang bukas na ilaw kahit isa, at nahalata niyang may isang katawan lang ang nakahiga sa kama, so wala siyang ibang kasama. Nag dahan dahan si Melissa sa paglakad patungo sa kama ni Daniel at nagulat siya ng biglang bumukas ang isang lamp shade.
Nagising si Daniel at hindi man lang namalayan ni Melissa na gumalaw na pala siya para abutin ang ilaw sa tabi niya.
Naka dapa si Daniel at ang isang kamay niya ay naka hawak sa lamp shade.
"Ma?" Sabi ni Daniel habang naka kunot ang noo, dahil wala siyang suot na salamin.
"Nope." Bulong ni Melissa.
Nung sumagot si Melissa, kinapa ni Daniel ang salamin niya para makita siya ng malinaw. At nung pagka suot nito, umikot siya para umupo.
"Melissa? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Daniel. "Anong oras na?"
Lumapit si Melissa ng sobrang bilis kay Daniel na parang isang ipo-ipo at lumuhod sa kama ni Daniel.
"Hindi ka kasi nagrereply eh. Hindi tuloy ako maka tulog. Akala ko tuloy may iba ka ng kasama dito."
Walang sagot si Daniel.
"Bakit ba hindi ka nagrereply?"
"Inaantok na 'ko."
BINABASA MO ANG
Don't Follow Me
RomanceTHERE'S ONE WHO CAN SIMPLY NEVER STOP FOLLOWING YOU. Talagang may isang tao ang hindi titigil sa pagsunod sayo. Sundan mo siya sa nakakabaliw na mga pangyayari sa kanyang buhay, at alamin ang mga nakaka baliw na mga pagsubok na kinakaharap niya. Fin...