7:00 p.m.
Late na ang alas siyete para kay Freida, at hindi na niya mahintay na makita at mayakap ulit si Daniel. Namamaga pa rin ang kanyang mga mata dahil walang tigil ang pag-iyak niya simula nung nagtalo silang mag-ina. At walang ibang maririnig ngayon kundi ang mga kamay lang ng orasan.
Naka ilang tawag na siya kay Daniel, ngunit narinig niya ang ring ng cellphone nito sa kwarto niya. Wala namang saysay kung tatawagan pa niya ito. Hindi rin niya alam kung nasaan na kaya ang kanyang kawawang anak. May ideya kaya siya kung anong nangyari sa kanya? Kung alam lang niya, malamang chini-cheer niya si Daniel ngayon.
Nag aalala siya kung napano na kaya ang kanyang anak. At para sa kanya, pag wala pa si Daniel ng 9:15, oras ng tulugan niya; ayaw niyang isipin na baka binalikan siya ng kanyang mga bully o di kaya naligaw o baka naman nilayasan na siya ng tuluyan. The more na nag-aalala siya, the more na nagagalit siya sa kanyang sarili.
9:00 p.m.
Nakatulog na si Freida sa sofa ng biglang narinig niya ang pintuan nilang bumukas, at nakitang si Daniel ang pumasok. He's on time, dahil 15 minutes na lang bago dumating ang oras ng tulugan niya, at talagang ginawa niyang umuwi bago ang 9:15 dahil ayaw niyang nababago ang oras ng tulog niya. Daniel is Daniel nga naman talaga.
Agad tumayo si Freida sa kanyang inuupuan.
"Daniel." Tawag niya.
Lumingon si Daniel sa kanya, ngunit walang emosyon ang mukha.
"San ka galing?" Tanong ni Freida ng may pekeng ngiti dahil ayaw niyang isipin ni Daniel na baka galit nanaman siya. "Alalang alala 'ko sayo." Pagkasabi niya nun, bigla ng naglakad si Daniel patungong hagdan at biglang sinabing, "Sobel's late." Nalagpasan na niya ang kanyang ina na gustong yumakap sa kanya, ngunit parang hindi niya napansin ito.
"Episode 2." Biglang sabi ni Freida.
Napahinto si Daniel sa paglalakad at unti unti itong humarap sa kanya at tinaas ang isang daliri para sabihin na episode 1. Sabay akyat ng hagdan papuntang kwarto niya.
Hindi nagkaron ng pagkakataon si Freida na makausap at mayakap ang kanyang anak, pero masaya siya na siya ay umuwi ng ligtas. Mukhang wala namang nanakit sa kanya ayon kay Freida, at wala siyang naramdamang hindi maganda nung makita niyang muli si Daniel. Sa katunayan pa nga, may mga tagong ngiti si Freida sa tuwing naka talikod siya, at sapat na 'yon kaysa sabihin niya ng paulit ulit sa mukha ni Daniel kung gaano siya kasaya.
9:38 a.m.
"Daniel, wake up." Sabi ni Freida.
Naka ilang gising pa muna si Freida bago pa tuluyang idilat ni Daniel ang kanyang mga mata. Nung nagising na siya ng tuluyan, unti unti siyang umikot para abutin ang salamin niya sa night table. Pagka suot niya nito, nakita na niya ng malinaw ang nanggigising niyang ina na naka upo sa kama.
"What do you want?" Tanong ni Daniel.
Ngumiti si Freida at sinabing, "you know Melissa?"
Sa isip isip ni Daniel, oo naman. Ngunit tumango lang siya.
"You know... ayaw ng mga babae na pinaghihintay sila ng matagal."
Hindi magets ni Daniel ang ibig sabihin ng kanyang ina, kaya naka tingin lang ito sa kanya ng seryoso.
"Nasa baba siya, naghihintay." Naka ngiting sabi ni Freida.
BINABASA MO ANG
Don't Follow Me
RomanceTHERE'S ONE WHO CAN SIMPLY NEVER STOP FOLLOWING YOU. Talagang may isang tao ang hindi titigil sa pagsunod sayo. Sundan mo siya sa nakakabaliw na mga pangyayari sa kanyang buhay, at alamin ang mga nakaka baliw na mga pagsubok na kinakaharap niya. Fin...