Dear Melissa,
I'm doing very well, I hope you are too. You know what? I made new friends recently. I even went to Michael's birthday party. It was fun. Kamusta ka diyan? You made my life a living hell, you know that? I also want to clarify that I'm not a psychopath. Autism and psychopathy are very different things. Autism or autistic, it means, that's me. Psychopathy or psychopath, means, YOU. Stop threatening me and my life. I'm happy you're gone. I'll be gone. Yes, I'll be gone somewhere far, at isang tao lang ang pagbibigyan ko ng susi. I just want you to know that me and Camille are getting better. She's been a great friend to me. Not to mention, Angela is getting nicer to me as well. So rot in hell while you're there.
P.S. I HOPE TO NEVER SEE YOU SOON.
St. Claire's Mental Hospital
"Emergency, room 401." Sabi ng nurse sa hawak niyang radyo.
Habang nakatayo siya sa pintuan, nakatingin lang siya kay Melissa na hawak hawak ng dalawang nurse na umaawat sa kanya.
Mukhang malakas siya, dahil kinailangan pa ng isang nurse para maawat si Melissa na nagwawala.
Sinaksak kasi niya ng ballpen yung isang pasyente sa braso, at tinusok ang isang mata nito.
"Bitawan niyo 'ko!" Sigaw ni Melissa.
"Emergency, room 401." Ulit nung nurse.
Maya maya pa, nagmadali sa pagtakbo ang mga nurse sa hallway.
Pagpasok nila sa room 401, agad tinurukan nung isang nurse si Melissa sa braso ng pampakalma. Mga ilang saglit lang, huminto na siya, at biglang nagsalita.
"He cannot do this to me." Iyak niya.
Nagsimulang magwala si Melissa matapos niyang mabasa ang sinulat sa kanya ni Daniel. Sa sobrang hindi niya matanggap, nagwala na siya sa galit, at umabot sa punto na nakapanakit siya ng kapwa niya pasyente. Kaya heto siya ngayon.
Francisco Residence
"Daniel, mag ayos ka na ng mga gamit mo, okay?" Sabi ni Freida.
"Done." Sagot ni Daniel habang nanonood ng T.V.
Nagpamewang si Freida habang nakatingin lang sa kanya.
"Ano nga palang sinabi ni Angela sayo?"
Tinaas ni Daniel ang dalawang balikat niya habang nakahiga.
"Did she say she's sorry?"
"Yep."
"Good. So anong nangyari?"
"I'm trying to watch?"
"K, fine, I'm sorry. Oh, by the way, hiniwalay mo ba yung mga sapatos mo sa mga damit mo?"
"Done."
Nagbuntong hininga si Freida, dahil sobrang stressful ng mga pangyayari nitong nakaraan, lalo na't lilipat na sila ng bahay nitong Biyernes. Kaya hangga't maaga ay nag-aayos na sila ng mga gamit na pwede ng ilagay sa mga malalaking bag nila.
Natapos na rin lahat ni Daniel ang dapat niyang gawin ng maaga, dahil masipag siyang mag-ayos at maglinis ng mga gamit niya. Kaya naman wala ng duda si Freida kay Daniel pagdating sa ganung bagay.
BINABASA MO ANG
Don't Follow Me
RomanceTHERE'S ONE WHO CAN SIMPLY NEVER STOP FOLLOWING YOU. Talagang may isang tao ang hindi titigil sa pagsunod sayo. Sundan mo siya sa nakakabaliw na mga pangyayari sa kanyang buhay, at alamin ang mga nakaka baliw na mga pagsubok na kinakaharap niya. Fin...