Montero Residence
"Sige na, I'll see you later." Sabi ni Angela.
"Yep. See you later. Bye."
"Isara mo ng maige yang mga pintuan niyo. Take care." Biro ni Angela.
"Alam mong hindi niya gagawin yung napanaganipan mo." Pamewang ni Melissa. "It's just a dream."
"Fine. Gotta go."
Pag alis ni Angela, nagkaron na siya ng chance para makapag isip ng maayos dahil hindi maalis sa isipan niya si Daniel.
Francisco Residence
Naka dungaw si Daniel sa bintana ng sala nila at tanaw na tanaw niya si Melissa na nasa pintuan habang naglalakad na palayo si Angela.
"Gentlemen, as you can see we've assembled 15 of you here for this prisoners' snatch tonight, 0-100, just a couple of points. Secure four rubber boats get you across the river. Lt. Jones here, is the ranking officer and he'll be allowed as an observer. Sgt. Martin here will lead the patrol in Sgt. Malarkey's place." Sabi ni Daniel habang may hawak siyang tautauhan.
"Episode 8." Biglang sabi ni Freida habang nakatalikod ang anak niya sa kanya.
Ngunit walang reaksyon si Daniel, ni hindi niya nilingon ang kanyang ina na parang wala siyang narinig, dahil bising-busy siya sa pagtitig sa kabilang bahay.
Nagtataka si Freida kung ano ba ang tinitignan niya.
Bilang isang curious na ina, lumapit siya ng dahan dahan at naki silip na rin siya. At ayun, nakita niya, isang dalaga na nakatayo sa pintuan sa kaharap nilang bahay.
Napangiti ng patago si Freida ng biglang...
"Episode 8, yes." Biglang sabi ni Daniel.
Nagulat si Freida sa sinabi ng anak niya.
Tama si Freida, tama ang sinabi niya.
Samantala, nagulat din siya sa kanyang sarili na kung bakit hindi pumasok sa isip niya ang episode 3. Hindi niya pinasok sa isipan niya ang mga nakatatak sa kanyang utak para kay Daniel dahil gusto niyang isipin na isang ordinaryong tao lang din si Daniel, na isang normal na tao siya. Ayaw na niyang ibahin ang kanyang anak, pero hindi niya kayang baguhin ang trato niya sa kanya.
9:15 gabi na ulit at tulugan nanaman.
Nung patulog na si Daniel, biglang kumatok ang nanay niya sa kanyang kwarto at sinabing, "good night."
Ngunit hindi sumagot si Daniel.
Pagtapos nun, sinara na ni Freida ang pintuan niya at sinara naman ni Daniel ang ilaw.
Pagkahiga niya sa kanyang kama, bigla siyang may narinig sa kabilang bahay na parang nag-aaway.
Sa bahay iyon nina Melissa.
Nairita si Daniel at hindi niya alam kung sasabihin ba niya sa nanay niya ang kanyang naririnig dahil nabibingi siya.
"Ilang gabi ka ng lasing!" Sabi ng isang babae.
Nagtaklob ng kumot si Daniel at binuksan ang cellphone tsaka nilagay ang earphones sa tenga. Nakinig siya ng mga paborito niyang kanta at hininaan ito ng sobra. Lahat ng mga ito ay, English songs.
BINABASA MO ANG
Don't Follow Me
RomanceTHERE'S ONE WHO CAN SIMPLY NEVER STOP FOLLOWING YOU. Talagang may isang tao ang hindi titigil sa pagsunod sayo. Sundan mo siya sa nakakabaliw na mga pangyayari sa kanyang buhay, at alamin ang mga nakaka baliw na mga pagsubok na kinakaharap niya. Fin...