"You know, hindi yan gagalaw ng mag-isa para subuan ka." Sabi ni Freida kay Daniel na nakatitig lang sa kutsara niya.
"Breakfast is essential." Sabi ulit ni Freida. "Okay. What happened?"
Walang sagot.
Pinatong ni Freida ang dalawang siko niya sa lamesa at tumingin ng diretso kay Daniel. "Anong nangyari Daniel. Talk to me."
"Wag mo 'kong pilitin."
"Okay. At least a clue?"
"No."
"Gusto kong malaman kung anong nangyari sayo nitong nakaraan. Sina Spencer nanaman ba?"
Hindi kumikibo si Daniel, habang ang kanyang ina ay abang na abang sa kanyang isasagot. Ng biglang...
"Nakausap ko si Camille."
Inangat ni Daniel ang ulo niya sa kanyang ina.
"Pagtapos kong kausapin si Melissa, pumunta ako kina Camille."
"Anong sabi niya?"
Humigop si Freida ng kape at sinabing, "she left you with Melissa, tapos hindi niya alam na may nangyari na pala sayo. Melissa also told me na wala ka naman daw nabanggit sa kanya na kung saan ka pupunta bago ka umalis sa bahay nila."
Nilapit ni Freida ang sarili niya sa kanyang anak at naging seryoso.
Sa isip isip naman ni Daniel ay, mukhang may alam na ang kanyang ina kung sinong nanakit sa kanya. Ayaw niyang ipaalam ito dahil mananagot siya at pati na rin ang kanyang ina. Ngunit...
"So, tell me. Saan ka nagpunta after mo kina Melissa?"
Ang buong akala ni Freida ay may pinuntahan pa si Daniel after niya kina Melissa. Pero ang totoo niyan, ang babaeng pinagkakatiwalaan niya para sa kanyang anak, ay ang salarin na gusto niyang makaharap.
Umiling si Daniel.
"Daniel, I don't have enough time for this. Sabihin mo sakin ang totoo."
Hindi tuloy alam ni Daniel kung anong sasabihin, kaya napa pikit na lang siya ng sobrang diin.
"Daniel." Tawag ni Freida.
"Leave me alone."
"Gusto ko lang naman malaman kung anong nangyari sayo. Kasi, wala ding alam si Melissa sa nangyari sayo pati si Camille. I want to know the truth, Daniel." Sumandal si Freida at naghalukipkip.
Walang kibo.
Umiling si Freida. "You know what? Pupuntahan ko na lang ang mga magulang ni Spencer."
"No--"
"Hinde. Kakausapin ko sila."
Hanggang sa nabigla si Daniel at may nasabi siya.
"It's not Spencer."
"Then sino?"
Walang sagot.
"Kung natatakot ka sa kanila--"
"Hindi ako natatakot sa kanila." Biglang sabi ni Daniel.
"Okay fine. Then there's no need na pagtakpan sila."
"Hindi ko sila pinagtatakpan, dahil hindi sila ang nanakit sakin."
BINABASA MO ANG
Don't Follow Me
RomanceTHERE'S ONE WHO CAN SIMPLY NEVER STOP FOLLOWING YOU. Talagang may isang tao ang hindi titigil sa pagsunod sayo. Sundan mo siya sa nakakabaliw na mga pangyayari sa kanyang buhay, at alamin ang mga nakaka baliw na mga pagsubok na kinakaharap niya. Fin...