Francisco Residence (Monday)
Pumunta si Daniel papuntang kwarto ni Freida, kung saan nakita niya ang kanyang ina na may nilalagay na mga damit sa isang kahon.
"How are you feeling?" Tanong ni Freida.
"Good."
Napangiti si Freida dahil napansin niyang medyo basa pa ang buhok ni Daniel habang nakatingin lang ito ng walang emosyon sa kanya.
"I'm just packing some stuff. You know, mga lumang damit na hindi na ginagamit. Baka pwede kong ibigay sa ibang nangangailangan." Biglang sabi ni Freida, ng may bigla siyang natanto. Napakunot siya ng noo habang may konting ngiti sa mukha niya.
"Ano nga palang ginagawa mo dito? I mean, hindi ka madalas pumapasok ng kwarto ko unless I call you. What's wrong? Do you need something?"
Ang tagal bago sagutin ni Daniel ang tanong na yun, at sinabing, "kailangan kong makausap si Camille."
"Camille?"
Tumango si Daniel ng isang beses.
"Why?"
"Mahilig siya sa mga charity. Baka meron siyang alam na pwedeng pagbigyan niyan." Tinuro ni Daniel ang kahon, at napatingin si Freida at napangiti.
"Oh, Daniel. That's a wonderful idea. Sige, I'll talk to her."
"I said I'll talk to her."
"Bakit kaya hindi na lang tayong dalawa ang kumausap sa kanya?"
Tumango si Daniel.
"Siya nga pala, gusto rin kita makausap about sa bahay."
Lumapit si Freida kay Daniel.
"I was thinking... maybe... if you want... lumipat na tayo ng bahay?"
Walang sagot.
"I mean, it's time for us to start a new life. Right?"
Walang sagot.
"Kung--"
"Just be starightforward, ma."
Ngumiti si Freida ng konti, "kung ayos lang naman sayo, baka pwede na tayong lumipat ng bahay."
"Do whatever you want, ma."
"So, you're not mad?"
"Why would I be?"
"Oh, you know... baka kasi hindi na kayo magkita ng madalas ni Camille."
Inayos ni Daniel ang salamin niya, at hindi nagsalita.
"Okay." Bulong ni Freida. "And oh, one more thing. I need you to come with me after natin kina Camille. May kakausapin lang akong ka-office mate ko."
Pagtapos nilang mag-usap, agad na silang pumunta kina Camille habang bitbit ang isang kahon ng mga damit. Pagdating nila doon, nagulat ang buong pamilya ni Camille at tuwang tuwa sila na inosente talaga si Daniel, at may proof na walang katotohanan ang lahat ng mga bintang ni Melissa sa kanya. Samantala, sabi ng mag asawa na si Nancy at Desmond, matagal na nilang napupuna na may kakaiba kay Melissa, ngunit binale wala lang nila dahil mukhang hindi naman niya kayang manakit. Pero since alam na rin nila ang lahat lahat at buong katotohanan, nag alala sila ng konti. Pero, higit sa lahat, ang importante ay nakabalik na si Daniel ng ligtas. Kaya naman abot hanggang langit ang saya nila, at umabot sa punto na nayakap ni Camille bigla si Daniel nung makita niya ito, pero nagulat din siya sa ginawa niya dahil hindi sanay si Daniel ng ganun sabi ni Freida. Sa kabutihang palad, napuna ni Camille na hindi umatras si Daniel. In short, hindi siya nagulat.
BINABASA MO ANG
Don't Follow Me
RomanceTHERE'S ONE WHO CAN SIMPLY NEVER STOP FOLLOWING YOU. Talagang may isang tao ang hindi titigil sa pagsunod sayo. Sundan mo siya sa nakakabaliw na mga pangyayari sa kanyang buhay, at alamin ang mga nakaka baliw na mga pagsubok na kinakaharap niya. Fin...