I can tell from up here na may gusto si Camille kay Daniel. Hindi ba niya alam na he's all mine? Bakit niya kinakausap si Daniel? Sabi ni Melissa sa sarili habang naka tingin sa bintana ng kwarto niya, at nagseselos siya.
Samantala, mukhang napapa ngiti ni Camille si Daniel habang sa kabilang banda, may isang hindi natutuwa sa kanila. Sa sobrang selos niya ngayon, napa labas siya ng bahay nila at inistorbo ang conversation ng dalawa.
Bakit naman kung kelan naging kami na, dun pa mas lalong lumapit ang babaeng yan? Sabi ni Melissa sa sarili habang naglalakad papunta sa kanila.
"Daniel." Tawag ni Melissa.
Lumingon si Daniel sa kanya.
Nung naka lapit na siya ng husto, tumitig siya kay Camille ng sobrang seryoso, habang siya ay naka ngiti lang sa kanya.
"Hi Melissa." Naka ngiting sabi ni Camille.
"Anong pinag uusapan niyo?" Bitter na tanong ni Melissa na ikinagulat ni Camille.
"N-nag uusap lang kami. I said hi tapos ngumiti siya sakin."
"Okay. Well, I just want you to know na... kami na."
Nanlaki ang mga mata ni Camille at sinabing, "talaga?" hindi makapaniwalang tanong niya, ng biglang... "I'm so happy for both of you." Mas lalong lumaki ang ngiti niya na mas lalong kinainisan ni Melissa.
"All this time, I knew na makakahanap din si Daniel ng para sa kanya. And I bet, you're so lucky."
You're so lucky? Sa isip isip ni Melissa, sabay binigyan ng peke at pilit na ngiti si Camille.
Maya maya pa, ramdam ni Camille ang pinakitang hindi maganda sa kanya ni Melissa kaya agad na siyang nagpaalam at sinabing may gagawin pa siya.
"Anong pinag uusapan niyo kanina?" Tanong ni Melissa kay Daniel na naka tingin sa sahig habang naka pamulsa.
Umiling si Daniel.
"Daniel, sagutin mo ang tanong ko."
"Mabait siya."
Tumaas ang dugo ni Melissa.
"Do you even love me, Daniel?"
Walang sagot.
"Sumagot ka!"
Walang sagot.
"Ni hindi mo pa nga sinabing mahal mo 'ko."
"Sinabi ko na yun ng isang beses."
"Isang beses. Oo, isang beses dahil ako unang nagsabi sayo nun. Pero yung ikaw ang unang magsasabi? Never."
Nag pause ng matagal si Daniel ng bigla siyang nag hum sa harapan ni Melissa ng hindi naka tingin sa mga mata niya.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Melissa.
"Hmmm... hmmm..." Hum ni Daniel habang gumagalaw nanaman ang mga kamay niya in a weird way. Nag iba ang mukha ni Daniel na parang hindi siya komportable, at sabay pukpok sa ulo ng mahina.
"Daniel, hindi nakaka tuwa."
"Hmmm... hmmm..."
"Daniel!" Sigaw ni Melissa.
BINABASA MO ANG
Don't Follow Me
RomanceTHERE'S ONE WHO CAN SIMPLY NEVER STOP FOLLOWING YOU. Talagang may isang tao ang hindi titigil sa pagsunod sayo. Sundan mo siya sa nakakabaliw na mga pangyayari sa kanyang buhay, at alamin ang mga nakaka baliw na mga pagsubok na kinakaharap niya. Fin...