Ugh! Sabi na nga ba! Ang babaeng yon! Ugh! Bwisit siya, bwisit! Mananagot talaga sakin yan... pati yang si Freidang malandi! Sabi ni Melissa sa sarili.
Galit na galit siya matapos niyang sundan ang mag ina sa supermarket habang nahuli niya si Daniel na nakikipag usap kay Camille. Samantala, hindi niya narinig kung anong pinag usapan nung dalawa, dahil medyo malayo siya sa kanila. Kitang kita rin niya si Camille na humalik sa pisngi ni Daniel, at mas lalo pa siyang nainis nung nakita niya si Freida na walang ginagawa.
Nung umuwi na ang mag ina, umuwi na rin siya sa bahay nila at nag kulong sa kwarto ng mag damag.
Nagpalakad lakad siya sa kwarto niya at tila ba parang hindi siya mapakali dahil isip siya ng isip sa kanyang nakita. Pagkaupo niya ng kanyang kama, napansin niya ang baseball bat na kinuha niya at bigla siyang may naisip ulit na hindi maganda. Nung una, nag aalangan siyang ituloy ito, pero ngayong galit na galit na siya, mukhang itutuloy na niya.
Tinawagan niya si Daniel sa kanyang cellphone, ngunit hindi niya ito sinasagot. Sinubukan niya ng tatlong beses, at nung pang apat na, sinagot na niya ito.
"Hello?"
"Let's watch a movie."
"Anong movie?"
"Anything you like? Your favorite?"
"Hindi ka naman nanonood."
"Basta pumunta ka na lang dito. And oh, wag mo kalimutang magpaalam sa nanay mo. Sabihin mo rin sa kanya na kami lang kasama mo."
"Kami?"
"Oo. Kami ni Camille."
"Camille?"
"I'll be waiting for you."
Ang tagal bago sumagot si Daniel.
"Bye." Yun na lang ang sinabi niya, at tumakbo na siya pababa para magpaalam na siya sa kanyang ina. Dumiretso siya sa kusina kung saan nakita niya si Freida na nag-aayos ng mga pinamili.
"Lalabas ako."
"Saan ka pupunta at sinong kasama mo?" Tanong ni Freida.
"Si Camille at Melissa."
"Wow. Talaga? Sinong nag invite?"
"Melissa."
"Akala ko hindi mo kaibigan si Camille?"
Walang sagot.
"Ayos lang ba kay Melissa?"
Tinaas ni Daniel ang dalawang balikat niya at sinabing, "I guess."
"Okay sige. Umuwi ka bago mag 8:00."
Pagdating niya sa bahay nina Melissa, nakita niya agad si Camille na naka upo na sa sofa.
"Daniel." Masayang bati ni Camille.
Tumayo siya sa sofa para lapitan si Daniel, ngunit...
"I have to go." Sabi ni Daniel.
"Bakit naman?" Biglang sabi ni Melissa. "Let's go. Manood na tayo."
Maya maya pa, napuna ni Daniel na mukhang wala namang problema si Melissa kay Camille, kaya pumayag na siyang makasama si Melissa at Camille sa iisang bahay.
BINABASA MO ANG
Don't Follow Me
RomanceTHERE'S ONE WHO CAN SIMPLY NEVER STOP FOLLOWING YOU. Talagang may isang tao ang hindi titigil sa pagsunod sayo. Sundan mo siya sa nakakabaliw na mga pangyayari sa kanyang buhay, at alamin ang mga nakaka baliw na mga pagsubok na kinakaharap niya. Fin...