Woldoff Real Estate Office
Nakikipag usap si Freida sa isang kliyente ng biglang nag ring ang kanyang cellphone. At sa kanyang pag sagot, hindi maganda ang kanyang narinig.
"Desmond, napatawag ka." Sabi ni Freida.
"Hello, Freida."
Umiling si Freida at sinabing, "Desmond, si Daniel nanaman ba?"
"Oo."
"My god naman talaga." Bulong ni Freida.
"Nagwawala siya sa harapan ng bahay niyo ulit."
Nag-alala si Freida, ngunit parang wala ng bago.
"Ulit?"
"Oo, ulit. At mukhang may pinuntahan siya. I mean, ilang araw na din namin siyang nakikitang lumalabas ng bahay."
Nanlaki ang mga mata ni Freida, dahil ang lagi niyang bilin sa kanyang anak sa tuwing aalis siya, ay wag lalabas ng bahay. Lahat naman ng gusto ni Daniel ay naibigay na niya, ngunit laging may kulang, lagi siyang hindi mapakali.
"Sige, sige, salamat. Mukhang uuwi nanaman ako ng maaga."
Pagkababa niya ng kanyang cellphone, agad na niyang kinuha ang kanyang bag at susi ng kotse para tignan kung ano nanaman ang nangyayari kay Daniel.
T.J. Freedom Mall Foodcourt
"Buti naman at nagpa araw ka na rin. Ang tagal na nating hindi nagkikita kita." Sabi ni Angela kay Ryan habang may straw sa bibig niya.
"Yep. Matagal tagal na rin." Sabi ni Ryan. "Kamusta na nga pala kayo ng pinsan ko?"
"Ayun, same."
"Nakakalimot ba siya lagi?" Biro ni Ryan.
"Mukhang kilalang kilala mo nga siya."
Sa kabilang palad, biglang napuna ni Angela ang katahimikan ni Melissa habang tulala.
Tumingin si Angela kay Ryan at pinunto si Melissa na parang nagsasabing, tignan mo siya.
Pagkatingin ni Ryan kay Melissa, na-realize niya na mukhang malalim ang kanyang iniisip. Ang masama pa nun, nasaksihan mismo ni Angela at Ryan na ngingatngat ni Melissa ang kanyang mga kuko.
Siniko siya ng mahina ni Ryan.
Nagulat siya at hininto ang kanyang ginagawa.
"Welcome back." Sabi ni Angela sabay sipsip ng iniinom niyang softdrinks.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Ryan.
Dahan dahan namang tumango si Melissa, pero halatang may bumabagabag sa kanya.
Francisco Residence
Nag park ng sasakyan si Freida sa harapan ng kanilang bahay at nakitang maraming tao sa labas. Sa gitna nun, natanaw niya si Daniel na naka takip ang dalawang tenga at ilang ulit dinuduyan ng atras-abante ang sarili.
Sa kanyang nakita, nagmadaling lumabas ng kotse si Freida at tumakbo palapit sa kanyang anak.
"Daniel!" Sigaw ni Freida, habang tinutulak niya yung mga taong nanonood kay Daniel.
BINABASA MO ANG
Don't Follow Me
RomantikTHERE'S ONE WHO CAN SIMPLY NEVER STOP FOLLOWING YOU. Talagang may isang tao ang hindi titigil sa pagsunod sayo. Sundan mo siya sa nakakabaliw na mga pangyayari sa kanyang buhay, at alamin ang mga nakaka baliw na mga pagsubok na kinakaharap niya. Fin...