Nagising si Daniel sa isang bangungot. Napa upo siya sa kama niya at napansing pinagpapawisan siya ng husto.
Tumayo na siya at hinubad ang t-shirt niya para mag palit.
Pagtapos niya itong palitan, kinuha niya ang isang bote ng tubig na nakapatong sa night table at sabay ininom. Nung medyo nahimasmasan na siya, dun na niya agad naisipang mag laptop dahil may titignan siyang drawing sa Google na gusto niyang kopyahin. Nung nakita na niya ito, kinuha na niya ang sketchbook at lapis niya sa mesa, sabay drawing.
Ano bang madalas na ginagawa ng tao pag nag i-internet? Marami, diba? Maraming kang pinupuntahan sa internet at kung anu ano ang mga makikita mo. Lalo na pag sa YouTube ka pumunta. Pero si Daniel ay iba, hindi siya masyado sa YouTube, maliban na lang kung may gusto siyang hanapin dito para panoorin. Madalas kasi, ang pinupuntahan lang niyang site ay Google at Tumblr. Kung saan marami siyang pictures na nakikita, at kadalasan dito ay mga drawings.
"Hm hm hm hm..." Nag ha-hum si Daniel habang gumuguhit siya. Sa kabila nun, naisipan niyang buksan ang e-mail niya para burahin ang mga inbox niya na hindi naman niya pinagtutuunan ng pansin.
Palagi niya ginagawa ito dati, ang pag check ng e-mail, dahil ayaw raw niya ng makalat na inbox. Kaya naman nung minsang nag e-mail sa kanya ang ka-trabaho ng nanay niya, ay nabura niya ito ng may importanteng laman. Kaya simula nun, lagi na niyang dino-double check. Maski na rin ang mga sent messages niya minsan kahit na hindi siya nag e-e-mail sa iba. Ang mga natatanging nasa sent box lang niya ay ang mga sinend ni Freida sa e-mail niya din mismo, for work purposes.
Habang tsinetsek ni Daniel ang mga laman ng sent messages niya, may napansin siya. Nagulat siya sa title nito.
Dick pics.
Hindi niya matandaan kung kelan siya huling nagbukas ng e-mail niya at kung kelan yung huling beses na may sinend siya.
Nanlaki ang mga mata ni Daniel habang nanginginig ang isang kamay niya.
Nung sinilip niya ito, tinignan niya kung kaninong e-mail ito naka send.
Kay Melissa.
"Shit." Bulong niya sa sarili niya, at hindi malaman ang gagawin. Tumayo siya at hinagis ang upuan niya.
Tsinek niya ito ulit at nag e-mail pabalik kay Melissa ng, "FUCK YOU BITCH!" All caps niya itong sinend habang nanginginig siya sa galit.
Since when? Sa isip isip ni Daniel.
Sinilip niya ang date kung kailan ito naisend sa kanya, at wala siyang matandaan na sinend niya ito kay Melissa. And there's no way na gagawin ito ni Daniel, never.
Nung nakita niya ang date, tumingin siya sa kalendaryo niya, at nakitang hindi pa silang dalawa nun. Buti na lang tanda niya ang date na naging sila ni Melissa.
"Fuck!" Sigaw niya. "Shit!"
Na-realize bandang huli ni Daniel na matagal ng sunod ng sunod si Melissa sa kanya, kasabay ng mga panahong sunod din siya ng sunod dito. Pero kung sila pa, mukhang wala namang problema doon.
Hindi rin niya matanggap na naging clueless siya all this time. Ang buong akala lang niya, siya lang ang gumagawa ng ganung bagay.
I'm so stupid! Sabi niya sa sarili niya.
Sa galit ni Daniel, sumigaw siya na rinig hanggang baba. Kung saan narinig ni Freida ito habang nasa kusina siya, naghahanda ng kakainin ni Daniel bago siya pumasok ng trabaho. Sa gulat niya, napatakbo siya sa taas, at nakitang naka yakap si Daniel sa dalawang tuhod niya habang dinuduyan ang sarili.
BINABASA MO ANG
Don't Follow Me
RomanceTHERE'S ONE WHO CAN SIMPLY NEVER STOP FOLLOWING YOU. Talagang may isang tao ang hindi titigil sa pagsunod sayo. Sundan mo siya sa nakakabaliw na mga pangyayari sa kanyang buhay, at alamin ang mga nakaka baliw na mga pagsubok na kinakaharap niya. Fin...