9:30 a.m.
Mag aalas-singko nung naka uwi si Daniel. Hindi muna kasi siya lumabas ng closet hangga't hindi pa tulog si Lisa. Feeling tuloy ni Daniel ay may nangyari sa kanilang dalawa dahil sabay ang kamay nila sa paggalaw ng sarili habang si Melissa lang ang gumagawa ng ingay. Kaya naman gumising siya ng maganda ang mood at mas lalong tumaas ang tiwala sa sarili.
Pagbaba niya sa sala ng bahay nila, nakita niya ang kanyang ina na naka upo sa sofa at nagulat ito nung nakita siya.
"Daniel, good morning." Naka ngiting sabi niya. "Breakfast?"
Tumango si Daniel at agad tumayo si Freida para paghandaan siya sa kusina ng almusal.
Habang nasa kusina ang kanyang ina, agad siyang dumiretso sa bintana ng sala para silipin ang kabilang bahay.
"Daniel." Biglang tawag sa kanya.
"Daniel." Pangalawang tawag sa kanya.
"Daniel." Pangatlong tawag sa kanya.
Since hindi pa rin siya lumilingon sa kanyang ina, nagbuntong hininga na lang si Freida at nilapitan na lang siya para kalabitin.
"Anak, kain na."
Sa pagharap ni Daniel, nakita niya ang tatlong pancake na napaka perperkto ng pagka bilog niya at umuusok pa. Umupo siya sa sofa at kinain niya ito ng halos hindi siya ngumunguya.
Naghalukipkip si Freida habang pinanonood ang kanyang anak.
"Kasama ka ba sa gera mamaya?" Tanong ni Freida habang nasho-shock siya sa kanyang nakikita.
Ngunit hindi nanaman sumasagot si Daniel.
Sa kabilang banda, napa tingin si Freida sa bintana kung saan madalas dumudungaw si Daniel at nakitang paalis na ang babaeng nakita niya noon na nasa pintuan.
"So, Daniel." Biglang sabi ni Freida. "Melissa, huh?"
Nagulat si Daniel sa sinabi ng kanyang ina at binigyan niya ito ng seryosong tingin, habang may laman ang bibig niya na naka bukol sa kanyang pisngi.
"Kailan ka papasok?" Biglang sabi ni Daniel.
"Huh?"
Hindi sumagot si Daniel.
"What do you mean, Daniel?"
Pumikit lang siya ng ilang beses.
"Well, ayaw mo ba 'kong nandito sa bahay?"
Umiling si Daniel na ikinagulat at medyo ikinasama ng loob ni Freida.
"Daniel? Bakit naman?"
Hindi ulit siya sumagot.
"Pag wala ba 'ko dito, saan ka nanaman ba pupunta?"
Walang sagot ulit.
Alam ni Freida na kahit anong klaseng tanong ang gawin niya sa kanyang anak, ay hindi siya sasagutin nito ng maayos. Marami din siyang gustong itanong sa kanya, ngunit di niya alam kung paano ito pasasagutin.
Just try. Sa isip isip ni Freida habang nagbubuntong hininga.
"Okay, Daniel... look at me."
BINABASA MO ANG
Don't Follow Me
RomanceTHERE'S ONE WHO CAN SIMPLY NEVER STOP FOLLOWING YOU. Talagang may isang tao ang hindi titigil sa pagsunod sayo. Sundan mo siya sa nakakabaliw na mga pangyayari sa kanyang buhay, at alamin ang mga nakaka baliw na mga pagsubok na kinakaharap niya. Fin...