Don't Follow Me - Chapter 25

501 4 0
                                    

Naiwan ng mag-isa si Melissa sa bahay nila. Wala na siyang kasama at wala na siyang pwedeng tawagan pa para maka-usap. Samantala, tinry niyang kausapin si Angela kahapon para humanap ng kakampi, ngunit hindi siya pinansin nito. Kaya ngayon, gumising siya ng may malaking sama ng loob. Tumayo siya ng kanyang kama at sabay sumilip sa bintana niya para tignan ang bintana ni Daniel sa kabilang bahay. Nung makita niya ito, nakasara lang ang kurtina.

Nung natapos na siya sa pagtitig sa bahay nina Daniel, ay agad na siyang dumiretso ng pintuan niya. Pero bago pa siya makalabas, napadalawang tingin siya sa kama niya.

Lumapit siya dito at nakitang may nakalapag na mga damit doon na hindi naman niya nilagay sa kanyang kama. Napatingin din siya sa dresser niya, at napansing nakapatong na ang mga panali niyang nawawala.

May nararamdaman siyang hindi maganda, at wala ng iba kundi galit. Alam na niya ang meaning nun.

Hindi pa siya nakontento, sinunod niya ang instinct niya at dali-daling sumilip ng closet para tignan ang mga gamit niya.

Her instinct was right. Nakita na niya ang matagal na niyang nawawalang mga bra and underwear, at patong patong silang nakatambak.

Sa inis ni Melissa, napasigaw siya, "aaaaaaaah!" at sabay sinipa ang pintuan ng closet niya.

"I hate you I hate you I hate you!" Sigaw pa niya.

Natanto ni Melissa na ito yung mga nawawala niyang gamit. Ito rin ang mga ninakaw ni Daniel nung mga panahong panay pa ang sunod niya. Pero ngayon, binalik na niya ang mga ito as a sign na, ayaw na niya kay Melissa. Kaya naman ganito na lang magalit si Melissa ngayon dahil ayaw niyang matapos na sila ni Daniel.

Maya maya pa, naka isip siya ng ideya para makaganti kay Daniel.

Agad niyang binuksan ang computer niya at dumiretso sa kanyang e-mail kung saan hahanapin niya ang mga dick pics ni Daniel na sinend niya sa kanyang sarili para ipakalat ito. Sa kasamaang palad, nagulat siya sa kanyang nakita.

May isang message si Daniel, at alam na ni Melissa ngayon na alam na ni Daniel ang matagal na rin niyang sikreto. Nabasa niya ang mensahe ni Daniel na, "FUCK YOU BITCH!" at napakagat siya sa kanyang kuko ng nakatulala sa screen ng laptop, habang unti-unting tumutulo ang luha niya.

Hindi na niya tinuloy ang kanyang balak na paghihiganti, kaya sinara na lang niya ang kanyang laptop. Pero hindi ibig sabihin nun ay tapos na ang galit na nararamdaman niya.

Nung sumapit na ang gabi, dun na niya ginawa ang dapat niyang gawin. Pumunta siya sa harapan ng bahay niya at nilagay sa isang drum ang mga binalik ni Daniel. Pagtapos nun, nilagyan niya ng gas at sabay sinindihan ito. Sa laki ng apoy, napansin ito ng iba nilang kapitbahay, lalo na't madilim ang paligid.

Nakatitig siya sa apoy, at ang lapit niya dito na halos napapaso na ang balat ng mukha niya. Pero hindi niya ito masyadong ininda, kaya hinayaan lang niya ang kanyang sarili na tumitig sa apoy. Sa kabila nun, napatingin siya sa bintana ni Daniel sa taas, at napansing nakabukas ang kurtina nito. Sa likod nun, napansin niyang may lalaking nakatayo sa bintana, at napansing si Daniel iyon. Tinitigan niya ng masama si Daniel, at dahil sa ginawa niya, biglang nagtago ito at sinara na lang ang kurtina niya.

Sinara ni Melissa ang dalawang kamay niya dahil sa galit na nararamdaman niya, habang hindi maalis ang tingin niya sa bintana ni Daniel.

Francisco Residence

Nakita ko si Melissa na sinusunog niya ang mga gamit na binalik ko. At habang ginagawa niya yun, napatingin siya sa kwarto ko at tinitigan ako ng masama, at malamang alam niyang wala ng iba yun kundi ako.

Hindi ko na kaya si Melissa, at kung hindi dahil sa tulong ng nanay ko, ay hindi ko magagawa ang lahat ng yun.

Pumasok ako ng pasimple sa bahay niya kagabi habang tulog siya. At nilagay ko ang mga kinuha kong gamit sa kama niya, sa dresser at sa closet. Alam ko na rin ang magiging reaksyon niya, at mas lalong alam ko na rin na alam niya kung anong ibig sabihin nun.

I don't love Melissa anymore. She's my biggest enemy. I thought I like her, and I thought she loved me. But what happened to us?

She made my life a living hell, but it's up to me to find a solution to get out of it. I have to finish what I started, and I can prove that I'm not retarded... I'm just... different and unique, just like everybody else.

Bumaba si Daniel ng kwarto para puntahan ang kanyang ina sa kusina na may nilulutong pagkain.

"Hi Daniel."

"I saw Melissa."

"Where?"

"Sa harapan ng bahay nila, habang sinusunog niya yung mga binalik ko." Sinabi na ni Daniel ang kanyang sikreto sa kanyang ina. At kung hindi dahil dun ay hindi siya matutulungan ni Freida na humanap ng solusyon para tigilan na siya ni Melissa ng tuluyan.

"Good."

"Nakita rin niya 'ko sa kwarto ko."

"So?"

Hindi sumagot si Daniel.

"Daniel... so?"

"Tumingin siya sakin ng masama."

"Anong ginawa mo?"

"Sinara ko yung kurtina."

Natawa si Freida ng konti habang hinahalo niya ang macaroni pasta.

"Good for you, Daniel. But, you know na I will never reward a bad behavior."

"I know."

"Alam mong mali ang ginawa mong pag sunod-sunod sa kanya, right?"

"Right."

"Tignan mo tuloy ang nangyari sayo."

"She's following me too."

"No, sir. That's not the point. My point is, kahit na siya pa ang nauna o hindi... remember na you did the same thing. Nagnakaw ka rin ng mga gamit niya, at nag trespassing ka pa."

"Alam niya lahat ng ginawa ko."

Nagbuntong hininga si Freida at nag pamewang.

"Okay?"

"There's nothing wrong with it. Why? 'Cause she knew it all along, at gusto niya yun."

"Of course there's something wrong with it. Pano kung ayaw niya? Malamang may kaso ka ngayon na stalking, trespassing at theft. At malamang inaayos ko ang mga papeles mo with an attorney."

"Fine. But I just want you to know na, hindi ako takot sa kanya."

"Okay mister. Pero hindi pa tayo tapos, dahil gusto kong makausap ang mga magulang niya."

"Wala na siyang kasama."

"How did you know?"

"May nabasa 'kong sulat sa pintuan niya. Sabi, 'wag mo 'kong tawagan, dahil hindi na 'ko babalik.' "

------------------------------------------

Thanks for reading this chapter. You can now proceed to the next one. :)

Don't Follow MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon