Don't Follow Me - Chapter 5

722 7 0
                                    

Umaga na at hindi papasok si Freida ngayon para mabantayan si Daniel ng maayos. Kaya ngayon, sabay silang mag aalmusal sa kusina.

"How's your sleep?" Tanong ni Freida kay Daniel habang naglalagay siya ng mainit na tubig sa isang tasa.

"Pangit! Baliw! Sira ulo!" Biglang sabi ni Daniel.

Biglang natapon ni Freida yung mainit na tubig malapit sa binti niya.

"Aw!"

"Pangit! Baliw! Sira ulo!" Ulit ni Daniel.

"Daniel..." tawag ni Freida.

"Pangit! Baliw! Sira ulo!"

"Daniel, san mo narinig yan?"

"Psychopath."

Nanlaki ang mga mata ni Freida.

"Daniel."

"Psycho!" Sigaw ni Daniel.

"Sagutin mo 'ko Daniel." Sabat ni Freida. "San mo narinig yan?"

Biglang nagtakip ng tenga si Daniel sabay dinuyan ang sarili. "Hmmm... hmmm... hmmm..."

"Anak, please... sagutin mo 'ko." Alalang sabi ni Freida.

"Baliw!" Sigaw ulit ni Daniel.

"Daniel, ano ba? Sagutin mo 'ko. San mo narinig 'yan?"

Kahit ilang ulit pang tanungin ni Freida si Daniel, mukhang hindi ito sasagot ng maayos.

Hanggang sa...

"Pok-pok ang nanay mo!"

Nabasag ang mundo ni Freida sa kanyang narinig. Alam na niya kung san nanggaling ang mga sinasabi ni Daniel.

Wala ng iba kundi ang mga bully ni Daniel.

Agad tumayo si Freida at kinuha ang cellphone.

Montero Residence

"Angie, nakita mo ba yung panali ko?" Tanong ni Melissa

"Nope."

"Dito ko lang nilagay yun eh." Sabi ni Melissa habang nakapatong ang kamay sa dresser.

"It's called, misplacement."

"Hay..." buntong hininga ni Lisa.

"Siya nga pala. I have a weird dream last night."

"Weird dream?"

"Si Daniel."

"Huh?"

"Andito raw siya sa kwarto mo."

"Talaga?"

Hindi makapaniwala si Angela sa tanong ni Melissa.

"Wait..."

"Bakit?"

"Talaga?"

"I mean, seriously. Yun ba talaga ang napanaginipan mo?"

"Bakit ako mag sisinungaling?"

Don't Follow MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon