Don't Follow Me - Chapter 32

473 3 0
                                    

Ito na ang huling araw nila sa kanilang bahay. Lilipat na sila bukas, at natataranta na si Freida kakaayos ng iba pang gamit nila.

"Daniel, yung mga tuwalya!" Sigaw niya sa baba dahil nasa taas si Daniel, sa kanyang kwarto, nag aayos pa ng ibang mga gamit nila.

Ng biglang...

*ding dong

Pagkabukas ni Freida, nakita niya ang pamilyang Millan.

"Come in." Masayang sabi ni Freida.

Pagkapasok nila, pinunta sila ni Freida sa sala para umupo.

"Can I get you something?"

"It's okay. Pumunta lang kami dito para mag alok ng tulong." Sabi ni Nancy.

"Tulong? Marami na kayong naitulong samin ni Daniel. Everything's fine."

"Ito na yung huling araw niyo dito, let us help."

"Akala ko matagal kami matatapos sa pag-aayos ng mga gamit. But with Daniel, mabilis kaming nakapag ayos. Forte kasi niya ang mag ayos at maglinis ng mga gamit."

"Sana ganyan din ang mga anak namin." Biro ni Desmond, at napangiti si Freida dun, pati na rin si Nancy.

"Ay, siya nga pala. Camille, nasa taas si Daniel. You can talk to him."

"Um..." Sabi ni Camille.

"Oh, pag akyat mo, lumiko ka pakanan, at makikita mo agad ang kwarto ni Daniel sa hallway, bungad lang siya."

"Thank you."

Pag akyat ni Camille sa taas, agad niyang nakita ang isang pintuan na nakabukas, at napansin na naglakad si Daniel sa loob nun. Napangiti siya at agad ng lumakad papunta sa kanya.

Kahit nakabukas yung pintuan, kumatok siya.

Lumingon si Daniel, habang may inaabot siya sa ilalim ng kama niya.

Sa taranta niya, tumama yung braso niya sa kahoy at nasaktan siya.

Pagtayo niya, nakatingin lang siya kay Camille.

"Are you busy?" Tanong ni Camille.

Umiling si Daniel.

"Can I come in?"

"Sure."

Pagpasok ni Camille, lumingon lingon siya sa kwarto ni Daniel, dahil ito lang yung first time na nakapasok siya dito. Sa isip isip ni Camille, mukhang mas maayos ang mga gamit ni Daniel kaysa sa kwarto niya.

"May gagawin ka pa ba?" Tanong ni Camille.

"Yes, konting ayos na lang."

Tumango ng isang beses si Camille, sabay lapit kay Daniel ng sobrang lapit.

"I just want to say something."

"Sure."

"I know na niyaya mo 'ko this Saturday to go with you somewhere. Sabi mo may ipapakita ka sakin. May I know what is it?"

Ang tagal bago sagutin ni Daniel ang tanong na yun.

"I-It's a little bit far from here."

Don't Follow MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon