Don't Follow Me - Chapter 35

603 4 0
                                    

St. Claire's Mental Hospital

Pinalabas ng nurse saglit si Melissa sa kanyang kwarto para makausap ang kanyang mga magulang na dumalaw sa kanya. Dumaan sila saglit para sabihin na, sa oras na kailangan na niyang lumabas sa mental, ay maaari na siyang sumama sa kanyang ama papuntang ibang bansa.

"No!" Sigaw ni Melissa.

"Sit down, Melissa." Sabi ng nanay niya.

"Hindi ako sasama!"

"Fine, edi mag stay ka dito." Sabi ng nanay niya.

Sa kabila nun, kinausap siya ng maayos ng kanyang ama.

"Melissa, kailangan mo ng lumayo dito. Dadalhin na kita sa America. Diba matagal mo ng gustong pumunta dun?"

Umiling si Melissa ng mabilis, at sinabing, "hinde! Kilala na kita. Pagsasamantalahan mo lang ako."

Tumingin ang nanay ni Melissa sa tatay niya.

Nagbuntong hininga na lang ang tatay niya at umiling. Isa lang kasi ang ibig sabihin nun; hindi pa siya magaling, and she's still lying.

Francisco Residence

Gumising si Daniel na katabi niya si Sgt. Phoenix.

Hindi rin siya nakatulog ng maayos dahil nanibago siya sa bagong kwarto niya. Umupo siya para silipin ang kanyang cellphone, pero bago yun, sinuot niya muna ang kanyang salamin.

Nung nakita niya ang kanyang cellphone, napansin niyang Sabado na ngayon, at bigla siyang may naalala na nagpasira ng umaga niya.

Tumayo siya palayo ng kanyang kama at sumilip sa bintana.

Pagtapos niyang sumilip sa bintana, bigla siyang tumingin sa kanyang aso na nakahiga sa kama, at biglang naisip na kailangan ilakad ang mga aso sa umaga, base sa nabasa niyang libro noon.

Sa kanyang pagbaba, kasama niya si Sgt. Phoenix na naka buntot lang sa kanya hanggang kusina, para hanapin si Freida. Nung makarating sila sa baba, agad nakita ni Daniel ang kanyang ina na may niluluto. Pagkalingon ni Freida, ngumiti siya kay Daniel na halatang bagong gising, at sa likod niya ay si Sgt. Phoenix.

"Good morning." Bati ni Freida.

Lumakad si Daniel papuntang upuan para umupo.

Paglapag ni Freida nung plato na may pancakes sa harapan ni Daniel, umupo din si Sgt. Phoenix at tumingin kay Daniel na parang nagpapaawa.

"Nag toothbrush ka na?" Tanong ni Freida.

"You know, ayaw kong kumain ng bagong toothbrush." Sagot ni Daniel habang may hawak na tinidor.

"Well, the bacteria in your--"

"Ughk! Mamaya na lang pagtapos kong kumain."

"Sorry." Sabi ni Freida, sabay talikod.

Nung may naalala siya, bigla siyang humarap ulit kay Daniel.

"Siya nga pala, kumain na ba si Phoenix?"

"Sgt. Phoenix."

"Right. Kumain na ba si Sgt. Phoenix?"

"Later."

Don't Follow MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon