"Sana Ako Nalang. Sana ako nalang ang una mong nakilala, ang una mong napansin at higit sa lahat, ang una mong Minahal. Dahil hindi ko man maipapangako sa'yong hindi kita sasaktan, pero pangako, Mamahalin naman kita ng lubusan."- Mapple Fernandez
Dito sa mundong ating ginagalawan, hindi pwedeng hindi natin maririnig ang salitang "Sana".
'Yung tipong Sana katulad n'ya ako. Sana s'ya na lang ako. Sana mapansin n'ya rin ako. Sana mahalin n'ya rin ako at higit sa lahat, "Sana Ako Nalang".
Ano nga ba ang mangyayari sa babaeng hindi madali at mahilig magkacrush at magkagusto sa mga lalaki?! 'Yung tipong kapag may dumaan na gwapo, titingnan lang pero hindi katulad ng ibang babae na grabe makatili at sobrang obvious.
Paano kung sa paglipat n'ya ng bagong school for Senior High, hindi n'ya inaasahang magkakacrush s'ya ng husto sa isang tao... na taken na.
Crush nga lang ba talaga?! What if, habang tumatagal hindi n'ya namamalayan na lumalalim na pala ang paghanga n'ya rito.
Ang salitang "Sana Ako Nalang" ay hanggang pangarap na lang ba o mauuwi sa totohanan na hindi n'ya mapaniwalaan.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)
Подростковая литератураBarkada Series #1 "Sana Ako Nalang. Sana ako nalang ang una mong nakilala, ang una mong napansin at higit sa lahat, ang una mong Minahal. Dahil hindi ko man maipapangako sa'yong hindi kita sasaktan, pero pangako, Mamahalin naman kita ng lubusan."- M...