Chapter 31
Buong maghapon, iyon ang nasa isip ko. Kung paano ako magpapaalam kina Mama at Papa.
Nang maghapon, kinabahan agad ako. Habang sakay ng tricycle, iniisip ko na agad kung papayagan ba nila ako o hindi pa rin.
Pagkarating ng bahay, agad akong nagdiretso sa kwarto upang makapagbihis na ng pambahay.
I was shocked when I saw my father in our sala. Komportableng nakapang de-kwatrong lalaki na upo, habang nagta-type sa laptop na nakapatong sa kanyang hita.
Nanatili ako ng mahigit kalahating oras sa kwarto para mangalap nang lakas ng loob. Upang i-memorize lahat ng sasabihin ko sa kanila.
Wala pa man, kinakabahan na 'ko!
I went outside. Sinilip muna ang sala upang tingnan kung nandoon pa rin si Papa. I sighed when I saw that he was still there, gaya kanina pa rin ang posisyon niya. Mukhang busy ito sa pagta-type sa kung ano. Siguro ay para sa trabaho.
Dumiretso ako sa kusina upang maghanda ng meryenda. Madalas ay isa lang na juice ang tinitimpla ko ngunit sa pagkakataong ito, dalawa ang aking inihanda. Kumuha rin ako ng dalawang tinapay. Dinala ko iyon sa sala at inilapag sa maliit na coffee table. I sat down on the couch, beside my father.
Galing sa laptop, nag-angat ang ama ko ng tingin sa akin. I smiled cutely on him as I pushed the glass of juice at his direction.
Napatingin siya sa lamesa na pinagpapatungan ng juice. Muli, tumingin siya sa akin nang may pagtataka at hindi makapaniwala.
Nanatili naman ang ngiti sa aking labi.
Ang kaninang taka at hindi makapaniwalang tingin ni Papa sa akin, mabilis na napalitan ng mapanuring tingin. Agad na sumibol ang kaba sa aking dibdib subalit hindi ko iyon pinahalata.
"Pa, magmeryenda ka muna," I said and smiled.
Mas lalong naningkit ang maala-arabo niyang mata. Mas kinabahan ako. Siguro, kung si Mama ito baka kanina ko pa siyang naloko dahil sa tingin na ibinigay niya sa akin. Ang kaso, si Papa ito at may kailangan ako.
I heard his heavy sigh.
"Anong kailangan mo?" sa wakas ay tanong niya. Nawala ang mapanuri niyang mata at naging normal na ulit.
"A-ano... m-may s-sabihin po kasi ako," I stuttered.
"Ano?" he asked.
"Ano kasi..." hindi ko maituloy dahil sa pagtaas ng kanyang kilay.
Mahina akong bumuntong hininga.
This is it.
I shifted my weight before I faced my father. May kaunting lakas ng loob.
"Pa! Magpapaalam po kasi ako sa inyo!" diretso kong sabi.
"Tungkol saan?" He asked back.
"Magte-take kami ng exam," sagot ko.
"Saan?"
"Sa Maynila!" I answered honestly.
Hindi agad siya nagsalita. Bahagyang bumagsak ang balikat ko. Mukhang hindi talaga siya papayag.
Sabay kaming napatingin ni Papa sa pinto nang may taong dumating. Bigla akong nabuhayan muli ng loob nang makitang si Mama iyon.
"Ma!" I greeted her with energetic voice. Tumayo ako at nagtungo sa pinto. Hinila ko si Mama at mabilis na pinaupo sa tabi ni Papa.
She looked at me with confused eyes. Masaya akong tumayo sa harap nilang dalawa.
"Mama! Magte-take akong exam sa Maynila," paalam ko sa masiglang tono.
![](https://img.wattpad.com/cover/142635884-288-k951858.jpg)
BINABASA MO ANG
Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)
Ficção AdolescenteBarkada Series #1 "Sana Ako Nalang. Sana ako nalang ang una mong nakilala, ang una mong napansin at higit sa lahat, ang una mong Minahal. Dahil hindi ko man maipapangako sa'yong hindi kita sasaktan, pero pangako, Mamahalin naman kita ng lubusan."- M...