Chapter 21
Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto kong magback-out na ayaw.
Yesterday, after the game and Khyler's team won, pinatawag kaming mga Violet Team na babae. Hindi namin alam kung bakit.
Pagpasok namin sa isang room kung saan naroon ang Violet team, nagulat na lang kami nang may binabanggit ng pangalan sina Sir.
Ang saya!
Saktong pangalan ko ang binanggit nang dumating kami. At ang mga pangalan daw na nabangggit ay s'yang representative ng Basketball Girls.
Basketball? Girls? Ano raw?
Wala akong alam.
Abot-abot ang kabang aking nararamdaman dahil kahit kailan, never ko pang na-experience na maglaro ng basketball. Shooting pwede pa dahil sa PE pero kung talagang mismong laro, wala akong alam!
Nakadagdag pa sa aking kaba nang maisip na maraming estudyante ang manonood.
Poutek na 'yan! Bakit ba napakaswerte ko sa ganito?
"Okay girls, ganito..." wika ni Angela. Pinaka captain namin sa larong 'to.
She was giving an instruction to us. Mabuti pa siya at maalam, samantalang ako, problemado.
Nagpractice kami ng ilang minuto and I'm so happy dahil kahit papaano, nakakashoot din naman ako.
Tumunog ang buzzer hudyat na ready na. Mas lalo akong kinabahan dahil maraming estudyante ang nanonood. Hindi katulad kahapon, mas marami ngayon. Siguro dahil ito ang unang laro ng Basketball Girls.
Kalaban namin ang green team at kasama ako sa first five. When I found out that I'm part of the first five, umayaw agad ako. Kaso, hindi na raw pwede dahil nakalista na. Matangkad din daw ako kaya napasama.
Ano 'yon? Porque matangkad, first five na agad?!
Poutek naman kasi, wala po akong alam sa basketball. Sana pala nagpaturo ako kay Axl kahit papaano.
The game started and Angela is the center. Nakuha agad niya ang bola. She passed the ball to Jesica and Jesica passed the ball to Perry. Parehas ko silang kaklase.
Perry immediately ran to our ring at mabilis na i-sh-in-oot iyon. Nagsigawan ang mga estudyante dahil nakakatuwang panoorin na babae ang mga naglalaro.
I smiled. Wala ata akong silbi rito. Taga intay at takbo lang.
Mabilis na lumipas ang first quarter at lamang kami. Kinakain ng mga tawananan at sigawan ang buong court dahil sa mga nangyayari.
Nasa kalaban ang bola at nandoon din sila sa court nila. They tried to shoot the ball but they failed.
"Ay sayang!"
"Shoot..."
Kahit anong pilit ng kalaban, hindi nila mai-shoot iyon. Pilit inagaw ng isa kong ka-team ang bola at ayon... nagkagulo na sila!
Pinili kong h'wag lumapit at makisali. Ayokong makipag-agawan dahil lang sa bola, 'no!
Pinanood ko silang magkagulo roon, ngunit natulala ako at hindi alam ang gagawin nang gumulong ang bola malapit sa akin.
"Kunin mo!" someone shouted.
Nakita kong may orange team na papalapit sa bola at kukuhanin din iyon. Sa taranta ko'y dali-dali ko iyong kinuha. Abot-abot ang kabang aking nararamdaman habang tumatakbo papunta sa ring namin dahil ramdam kong may tumatakbo kasunod ko.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)
Novela JuvenilBarkada Series #1 "Sana Ako Nalang. Sana ako nalang ang una mong nakilala, ang una mong napansin at higit sa lahat, ang una mong Minahal. Dahil hindi ko man maipapangako sa'yong hindi kita sasaktan, pero pangako, Mamahalin naman kita ng lubusan."- M...