SAN 22

372 11 0
                                    

Chapter 22


"Sa'n na tayo ngayon?" Seline asked while eating her lunch. Nasa canteen kami at dito napagdesisyonan na magkita-kita.

"Hindi ko alam," I answered while playing the ice tea bottle.

"Ayaw mo munang kumain? Kain ka muna," alok niya.

"Nakakain na ako. Kumain ka na lang muna nang tumaba ka naman," ngisi ko.

She open her mouth to say something but she closed it again and continued eating her food.

Ilang minuto pa kaming nagstay bago nagdecide na umalis. Subalit agad din kaming bumalik ng walang maisip na pupuntahan. 

Three o'clock in the afternoon pa lang at 5:30 pa raw ang start noong party. May dalawa at kalahating oras pa kami para makagala but here we are... nakaupo lang sa canteen at walang maisip na paggagalaan.

"Tarang maggala! Nakakaboring na talaga rito!" inip na wika ni Seline. Nakapangalumbaba na siya at kunot ang noo. Boring na boring.

"At saan mo naman naiisip na pumunta?" I raised a brow.

Gusto ko na rin gumala. Ang kaso, hindi ko alam kung saan pa kami pupunta. Pag nagpunta pa kaming sidera (Tiangge), medyo malayo ito at nakakapagod. 

"Kung saan-saan. Like what we always do..."

My eyes widened while looking at her. 

"Wow, English bes. Dumudugo ang ilong ko," asar ko.

"Baliw!" she laughed and rolled her eyes playfully.

Limang minuto pa kaming nanatili bago tuluyang nagdesisyon na maggala na nga lang kaysa mag-intay rito hanggang 5:30.

Higit isang oras din kaming nag ikot-ikot sa sidera. Tumitingin ng mga kung anu-ano like clothes, shoes, bags, wallet, watch and etc.

Kahit may mga type akong damit, sapatos na nakita, wala talaga ako— kaming balak na bumili ni Selina. So we both decided to go to the nearest mall. May isa't kalahating oras pa kami para magggala.

Hindi na rin kasi namin madalas na nagagawa ni Seline ang ganito. Aside sa magkaiba na kami ng section, magkaiba na rin kami ng schedule lalo na kapag uwian.

Nagtungo kami sa pinakamalapit na mall kung saan pwede itong lakarin. Sa mall namin inubos ang natitirang oras. Naggala, naglaro, kumain at kung anu-ano pa.

Nang mag 5:20 pm, nagdesisyon na kaming bumalik. Sumakay kami kahit pa pwede naman namin lakarin pabalik ng school. Mas'yado kaming napagod sa ginawang pag-iikot-ikot.

Pagtigil ng tricycle sa tapat ng school, marami na agad mga estudyante na pumapasok sa gate. Mahigpit na rin ang seguridad para raw maiwasan ang aksidente.

May guest kasing sikat na DJ para sa rave party mamaya. Allowed din na pumasok at manood ang mga taga ibang school kaya ganoon na lang kahigpit.

Kapag Foundation dito at may palabas sa gabi or party, allowed ang mga outsider na pumasok. May mga taga malalayo pa na dumadayo at bumibili ng ticket para lang makapanood ng concert o ano mang palabas sa school na 'to.

I can say that... this school is quiet famous here in Batangas. Most especially dito sa City namin. Isa rin ito sa pangarap na school ng nakakarami. Iyon na nga lang, mas'yadong mahal ang tuition. Mabuti na lang at kapag Senior High, medyo malaki ang voucher lalo na kapag galing kang public school.

Sobrang haba ng pila nang marating kami roon. Mabilis kaming pumila sa pinakalikod at saktong sina Tania, Flore, Kylie, Stella at Gayle ang pinakahuling nakapila.

Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon