SAN 34

323 11 1
                                    

Chapter 34

Pagkarating doon, mas dumoble ang kaba ko. Lalo pa't nakitang sumulyap sa amin si Khyler, bago ibinalik ang paningin sa kaninang kausap.

"Mapple!" ani Mike sa masayang tono. "Happy Birthday, Girl!" maarteng wika niya at yumakap.

I smiled. Binati akong muli ng mga naroon. Hindi ko alam kung binati rin ba ako ni Khyler dahil hindi ko naman siya narinig na nagsalita or baka binati n'ya man ako, ngunit mahina lang. Nahihiya naman akong tumingin dito dahil baka nga totoong alam na niya na may pagtingin ako sa kanya.

"Apple!" Cris called me. I immediately looked at him.

"Si Khyler nga pala!" he said playfully.

My cheeks heated. Hindi alam kung anong sasabihin at gagawin. Pasimple akong sumulyap kay Khyler at tatawa-tawa lang siya habang umiiling. Khyler punched Cris playfully on his arm.

"Ba't ka namumula?" Phatrick whispered to me, nang-aasar.

I glared at him and pinched his arm lightly. Ngumiwi siya dala ng sakit.

"Namumula!" Hindi ko alam kung sino ngunit malakas ang pagkakasabi niyon.

"Hala, gurl! Namumula ka nga!" maarteng komento ni Mike. Itinuro pa 'ko.

I heard their laugh.

"Kahit hindi," I denied at mahinang tinampal ang kamay ni Mike.

"Khyler, batiin mo naman!" kantyaw ng isang narito sa table. Kilala ko siya sa mukha ngunit hindi ko siya kilala sa pangalan.

Mas lalo akong nakaramdam ng hiya. Gusto ko nang umalis ngunit nakakahiya naman kung gagawin ko iyon. Hindi na rin ako nagtangkang tumingin kay Khyler.

"Happy Birthday!" Khyler said and smirked. Halatang sinasakyan ang biro ng mga kaibigan.

Nagsigawan ang mga taong narito sa table at inasar kaming dalawa.

"Iyan na!" asar nila. 

Mas lalo kong naramdaman ang pamumula ng aking mukha. Gusto ko na lang na kainin ako nang lupa. Poutek!

Wala na 'kong mukhang maihaharap sa kanila. Sa kanya kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.

"Hoy, binati ka!" Phatrick nudged me. "Wala man lang bang isang 'thank you' dyan," asar niya at tumawa.

Gusto ko siyang sungitan ngunit hindi ko na magawa. Baka mas lalo akong mahalata at masabihan na pikon pa. I gave them a small smile just to lessen the embarrassment I felt.

"Tama na 'yan! Mas'yado na natin kinakawawa 'tong kinakapatid ko," si Phatrick na nang-aasar pa rin.

Gustong-gusto ko na siyang irapan, kung hindi lang talaga ako nahihiya sa mga nandito, may mapaglalagyan 'to sa'kin!

"Uhm... punta lang ako sa kanila," paalam ko. I even pointed my back kahit hindi alam kung sino ang tinutukoy. Gusto ko lang talaga na makawala sa kanila.

"Dito ka muna. Mamaya ka na umalis," pigil noong isa.

"Ha?" wala sa sarili kong wika. "Ano..." hindi alam kung ano ang susunod na idudugtong.

"Huwag ka na maghanap ng palusot," si Mike na ikinagulat ko. "Dahil birthday mo...  rito ka muna!" pinal na sabi niya at hinawakan ang palapulsuan ko para hilahin ako.

Tumingin ako kung nasaan sina Seline, nanghihingi ng tulong ang aking paningin. Ngumisi lang siya sa akin na tila ba kanina pa kami pinapanood.

Pinaupo ako ni Mike sa isang upuan na naroon. Tiningnan ko siya habang nauupo katabi ko. Mula sa kanya, iginala ko ang aking paningin paikot sa table. Literal akong nagulat nang magtama ang mata namin ni Khyler at napagtantong siya ang katabi ko.

Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon