Chapter 33
"Ang hilig mo talagang magtago, ano?" Gayle said, disappointed.
"Kaibigan mo ba talaga kami? Na kahit iyan ay hindi mo masabi," madrama ngunit may bahid na pang-aasar ang tono ni Seline.
Napangiwi ako sa kanya. Minsan talaga, ang O.A niya.
"Kahit nagpabili lang ako," katwiran ko sa kanilang tatlo.
"Ikaw? Magpapabili, roon?" aniya ni Laurine, hindi makapaniwala. "Close kayo?" she asked sarcastically.
Sabay na natawa si Gayle at Seline sa sinabi ni Laurine. Ultimong si Laurine, natawa sa sariling sinabi.
Grabe sila.
"Uwo. Close kami," sakay ko sa pang-aasar nila. "Bakit? May angal?" I raised a brow.
"Ang kapal!" react ni Seline. Itinakip pa ang kanyang palad sa bibig na para bang mangha at hindi naniniwala.
Inambaan ko siya ng suntok. Mabilis niyang iniilag ang katawan at mukha sa amba ko.
"Ayaw maniwala," irap ko, nagkukuwaring inis ngunit gusto nang matawa.
"Parang abno!" sagot niya at umirap. Humarap siya kay Gayle at Laurine, at doon tumawa.
Ang tawa na kanina ko pa pinipigilan ay hindi ko na kinaya. Nakisabay ako sa pagtawa nila. Nang magkatingin kaming dalawa ni Seline, sabay kaming napairap sa isa't-isa. Sa huli, sabay muli kaming natawa na dalawa.
Dalawang linggo ang lumipas at may nabasa akong... dapat, ikinatutuwa ko. Ngunit bakit ganito ang nararamdaman ko? Nanghihinayang ako para sa kanilang dalawa.
Madalas kasing post noong babae— girlfriend ni Khyler sa kanyang 'my day' at 'facebook', nitong mga nakaraang araw ay puro pang brokenhearted.
Nang minsang na-curious ako, tiningnan ko ang comments box sa isa sa kanyang post. Friend ko na rin kasi iyon sa Facebook.
May nagtanong doon kung wala na ba daw sila. Sinagot iyon ng babae nang umiiyak na emoji. Sinundan pa nito ng simpleng... 'Oo'.
Gulat ako nang mabasa iyon. Medyo hindi rin ako agad naniwala. Baka nagkaroon lang ng misunderstanding sa kanilang dalawa. Nakakalungkot lang din talaga dahil sa tingin ko, ilang buwan na lang at magdadalawang taon na sila.
Nakumpirma ko lang ang lahat ng iyon nang makita ko ang IG story ni Khyler. May kasama siyang ibang babae. Hindi ang girlfriend niya.
Nasaktan ako, aaminin ko. Ngunit mas nasaktan ako hindi para sa akin kung hindi para kay Jayda, na ex na n'ya ngayon. Hindi ko man alam kung si Khyler ba ang may dahilan sa kanilang hiwalayan, pero sana naman, hindi s'ya ganoon kadaling nagpalit ng babae or ng girlfriend.
Medyo nabawasan tuloy ang paghanga ko sa kanya. Medyo lang naman.
Hindi ko alam na hanggang ngayon, ganoon siya ka 'playboy'. Ang akala ko'y tino na siya kay Jayda, pero hindi pa rin pala.
Ang bilis talagang lumipas ng panahon. Kamakailan lang, parang umpisa pa lang ng pasukan. Tapos ngayon, unang linggo na nang Abril.
Ilang linggo na lang at nalalapit na ang graduation namin.
Ilang araw na lang din at malapit na ang aking eighteenth birthday. Ngayon pa lang, sobra na akong na-e-excite. Buti na lang din at natapat iyon nang walang pasok. Araw ng Sabado.
Pinapili rin ako ni Mama at Papa. Pera ba raw o cotillion?
Noong una, pera ang sinagot ko. Tapos maggala na lang kami. But then, I realized in our lives... and as a girl: Isang beses ka lang magde-debut; Isang beses mo lang mararanasan na mag-eighteen. Kaya pinili ko na magkaroon ng cotillion.
BINABASA MO ANG
Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)
Novela JuvenilBarkada Series #1 "Sana Ako Nalang. Sana ako nalang ang una mong nakilala, ang una mong napansin at higit sa lahat, ang una mong Minahal. Dahil hindi ko man maipapangako sa'yong hindi kita sasaktan, pero pangako, Mamahalin naman kita ng lubusan."- M...