SAN 15

418 13 0
                                    

Chapter 15


"Good Afternoon, Senior High! Are you ready for the dance show?" masiglang bati ni Sir Val.

Hindi pa man nagsisimula ang sayawan, kinakabahan na agad ako. I sat down on one of the chairs for our section.

Tumingin ako sa kung saan nakaupo si Seline at nakita kong tumatawa ito. Buti pa s'ya parang hindi kinakabahan.

"Thank you ICT!" sabi noong emcee.

Poutek kami na! Parang sasabog na naman sa sobrang kaba ang puso.

"And now, let's welcome the STEM C," the emcee announced.

Mas lalong tumindi ang kabang aking nararamdaman nang marinig ko iyon. Tumayo na kami para makapunta sa gitna. Nanginginig naman ang tuhod ko habang naglalakad. Kainis!

Pumunta na kami sa sari-sarili naming mga pwesto, ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin tumutugtog ang kantang aming sasayawin. Ano ba 'yan?! Bakit ayaw pang mag-umpisa?

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko para naman mabawasan kahit kaunti ang kabang ang aking nararamdaman.

"Oops... STEM C mukhang nagkaroon ata ng problem doon sa cd ninyo kaya let's proceed muna for the next contestant," announce noong emcee sa mic.

Ano ba naman 'yan. Kahit kinakabahan ako, ready'ng ready na 'ko. Tsk! Tapos naudlot pa, hays.... pero okay na rin. At least may time pa para magready ulit.

"Uy, video-han mo kami huh?! Sunod na kami dyan," wika ni Seline nang makabalik kami sa upuan. She put her cellphone on my lap.

"Saan? Dito na?" tanong ko sa kanya, tinutukoy iyong cellphone niya.

"Uo, bahala ka!" hindi mapakaling sagot nito.

I chuckled at her reaction. Akala ko pa naman hindi s'ya kinakabahan dahil pa easy-easy lang kanina. Iyon pala, parang mas malala pa sa 'kin ang isang 'to.

"Teka, baka may password 'to?" pahabol na sabi ko. "Anong password nito?"

"Huh, ano?!" lumapit ito sa 'kin. Kabado at balisa na.

Pagkasabi ni Seline ng password saka pa lang siya tuluyang umalis.

"Now, let's welcome the STEM B."

Umalis ako sa aking inuupuan at lumapit sa unahan para ma-video-han sina Seline.

Natapos ang sayaw nila at maganda rin naman ang kanila. Magaling din naman magsayaw ang babaeng iyon kahit na napakadaldal.

"Thank you STEM B," pahabol na sabi ng host.

May dalawa pang nagsayaw bago tinawag ang pinakahihintay ko.

"Let's welcome SPORTS C," pagkasabing-pagkasabi ng emcee ang salitang sports, halos mabingi ako sa katitili at kasisigaw ng mga estudyante. Especially the girls.

Grabe huh! Hindi naman sinabi na may Fans Club pala ang sports dito sa school.

Nag-umpisa na silang magsayaw at hindi pa rin humuhupa ang sigawan at hiyawan. Mapaos sana kayo!

Hinanap agad ng mata ko si Axl. Bakit hindi ko s'ya makita? Hindi ba magsasayaw 'yon? S'ya nga lang ang hinihintay ko tapos wala pa.

Nagulat ako nang biglang lumakas lalo ang sigawan. Pagtingin ko sa may pinakagitna, nakita ko si Khyler na nagsasayaw.

Poutek! Baka magkasala ako ngayong araw. Shetnesss overload!

Paano ba naman, hindi lang si Khyler ang nagsasayaw dahil pinagsama-sama nila ang lahat ng gwapo. Wala akong ibang ibig sabihin doon. I mean iyong mga alam nilang may malalakas at madaming fandom, iyon ang magkakasama sa isang sayaw. Imagine! Poutek hindi ko alam kung kikiligin ba ako o matatawa kasi naman.

Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon