SAN 36

391 12 1
                                    

Chapter 36

"Tara na lang manood ng palabas sa court!" anyaya ni Laurine.

Kahit pigilan, bakas pa rin sa mukha niya ang pagkadismaya.

"Mabuti pa!" sagot ni Gayle.

Bumuntong hininga ako ng malalim at nagdesisyon na lang kami na pumunta sa court. Pagkarating sa court, wala pa kaming isang oras na naroon, nagyaya na agad si Gayle na bumalik kina Laurine.

Sumang-ayon kami sa kanya dahil medyo nakakaboring din ang palabas. Nagbago lang ang desisyon naming tatlo nina Seline at Laurine noong nakita namin iyong crush ni Gayle. Imbes na bumalik ng bahay, napagdesisyonan namin na asarin siya.

"Tara ng bumalik sa inyo, Laurine!" atat na atat na wika ni Gayle.

"Lakad. Bumalik ka mag-isa!" Laurine answered sarcastically.

"Tara na kasi..." nakangusong pamimilit niya.

"Kanina, gustong-gusto mong pumunta tayo rito. Bakit ngayon nangunguna ka pang mag-aya?" takang tanong ni Seline. "Mamaya na tayo bumalik. Gumaganda na 'yong palabas," dagdag niya at itinuon ang paningin sa mini stage.

"Manood ka mag-isa mo," may halong irita sa boses ni Gayle.

"Bakit, sasama ba kami sa'yo?" pambabara naman sa kanya ni Laurine.

"Bumalik ka mag-isa mo," pang-iinis ko pa sa kanya.

Natawa kaming tatlo sa naging hitsura ni Gayle. Halatang inis na siya pero wala siyang magawa kung hindi ang magstay rito kasama namin. We enjoy watching nang maramdaman ko ang pagkabalisa ni Gayle sa aking gilid.

"Naiilang na 'ko. Tara nang umuwi!" bulong niya.

My forehead creased when I looket at her. Nagtataka sa kanyang inaasta. Ang mga mata ni Gayle, pasimpleng sumulyap sa likod. Nagpapahiwatig na tumingin ako roon.

Bago pa ako makatingin sa likod, narinig ko na ang mahinang asar ni Seline sa kanya.

"Gayle, si ano..." nakangising aasar ni Seline at pasimpleng itinuturo ng kanyang mata ang likuran namin.

Hindi s'ya pinansin ni Gayle.

"Tara na kasing umuwi. Ang pangit pangit naman ng palabas," tunog naiirita ang boses niya.

"Lakad. Bumalik ka na kina Laurine!" wika ko.

Ngumuso si Gayle. "Wala nga akong kasama," reklamo niya.

"Oh, e'di dyan ka!" sagot ni Laurine.

Wala nang nagawa si Gayle sa sinabing iyon ni Laurine. Dahil ni-isa sa amin... walang willing na samahan s'ya pauwi kina Laurine. Maganda na rin kasi ang palabas.

Habang tutok na tutok kaming apat sa panonood... bahagya kaming nagulat sa malakas na kantyawan na nanggagaling sa aming likuran. Nilingon namin iyon.

Laking gulat ko nang makitang barkadahan ng crush ni Gayle ang mga naroon. At nasa likuran lang talaga namin sila. Wala sa sariling napatingin ako sa aking kaibigan.

Wala na sa stage ang paningin niya. Bahagya na siyang nakayuko at nagpipipindot sa kanyang cellphone. Ngunit ramdam ko ang pagka-ilang niya.

"Gayle!" mahinang tawag ni Seline sa kanya.

"Oh!" sagot niya nang hindi tumitingin.

"Tumingin ka rito," muling sabi ni Seline.

"Ayoko!" sagot niya at mas lalong itinaklob ang kanyang mahaba at bagsak na bagsak na buhok sa kanyang mukha.

Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon