SAN 45

505 10 0
                                    

Chapter 45

Simula noong birthday ni Khyler at nalaman nina Seline na magkakilala kami, madalas na nila akong asarin sa kanya. Minsan, nakakaya ko pang sakyan ang trip at pang-aasar ng mga 'to sa akin. Pero minsan, naasar at nayayamot ako sa kanila. Lalo na kapag biglaan nila akong aasarin kapag magkakasama kami sa labas tapos, may mga taong makakarinig.

S'yempre, nakakahiya iyon para sa akin dahil minsan kapag may nakarinig na ibang tao, ramdam ko ang paninitig nila.

Wednesday ngayon at napagpasyahan kong dumiretso ng Starbucks after ng aking last class para sa araw na ito. Doon na lang din ako maggagawa at magtatapos ng paperworks at iba pang gawain. Habang naglalakad palabas, saktong nakasalubong ko ang nagmamadaling si Seline.

"Uy!" tawag ko nang hindi niya 'ko napansin. Lumingon siya.

"Apple!" gulat niyang wika nang makitang ako ang tumawag.

"Saan ka pupunta? May klase ka pa?"

She shook her head. "Wala na."

"Bakit ka nagmamadali?" tanong ko, nagtataka.

"Ihing-ihi na 'ko e," sagot niya at bahagyang ngumiti, nagpipigil ng wiwi.

Napatawa ako roon. "Poutek ka!" nakangiti kong wika. 

"Sa'n punta mo?" aniya.

"Starbucks. Sama ka sa'kin?!" Aya ko.

"Ihing-ihi na nga 'ko e!" malakas na reklamo niya sa naiinis na boses.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at hinila siya.

"Woy, naiihi na nga ako!" pigil niya.

"Tara na! Do'n ka na lang mag-cr!" ani ko at hinila s'ya nang mas malakas. 

Wala na s'yang magawa nang matangay ko siya. Habang naglalakad kami, panay ang reklamo niyang kaunting-kaunti na lang at maiihi na siya.

"Ihing ihi na nga 'ko e," she murmured and pouted. Nakasimangot na naglalakad.

"S'ya, dyan ka na lang umihi," wika ko nang may madaanan kaming damuhan.

"Ba! E'di ikaw," naiinis at nagtataray niyang sagot.

Humalakhak ako at mas binilisan pa niya ang lakad para makarating na agad sa Starbucks.

Pagkarating doon, mabilis s'yang nagtungo sa cr habang ako naman, naghanap ng mauupuan. Um-order muna ako bago ko inilabas ang aking laptop para makapagsimula nang maggawa. Hindi rin naman nagtagal si Seline sa cr.

Pagkalabas niya, dumiretso s'ya sa table kung nasaan ako. Inilapag ang dalang gamit bago um-order. Gaya ng ginawa ko, inilapas na rin niya ang mga gamit.

Dahil malapit na ang exam, abala kami. Gumagawa ng requirements at sa susunod na linggo, mag-aaral naman para sa finals exam.

Madilim na sa labas nang mapagpasyahan naming umalis na roon. Nasa labas na lang din kami kaya napagpasyahan namin na maghanap ng maka-kain para hindi na magluto sa dorm. Habang naglalakad at naghahanap ng makakainan, tumunog ang cellphone ni Seline. Sinagot niya iyon at sinabi sa akin na si Laurine ang tumatawag.

Nagtungo kami sa BGC. Pumasok sa isang restaurant na hindi pa namin nakakainan. Habang naghahanap ng bakanteng upuan, sa daming taong kumakain, nahagip ng mata ko si Khyler. May kasama siyang puro mga lalaki. Hindi lang ako sigurado kung mga kateam niya ba iyon o kaklase.

Mabilis akong kinabahan nang makita s'ya. Lalo pa nang mapagtantong malapit na lang sa kanila iyong dalawang table na walang tao. Yayain ko na sana si Seline na sa iba na lang kumain ngunit naunahan na niya 'ko.

Sana Ako Nalang (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon